Tuesday, August 18, 2009

Ang BOMBA ni ATOM

Atom ang pangalan ko, literal na taga bundok pero asal modernong tao, probinsyano pero nakakapasok din naman sa Starbucks once in a while, tapos labas ulet after two minutes. Naatasan akong ipakilala ang aking sarili bago pa man ako makapagsimulang ibahagi ang mga kaalaman ko sa blog na ito. Kailangan nila ako dito kasi ako ang ANGHEL sa JABBLONG blog na ito (sabay sign of the cross), para may balance of powers kumbaga, hehe. Nais ko lamang iparating sa pamunuan ng JABBLO na isang malaking karangalan ang magsulat ng mga iktoryas ko sa buhay dito kasama ng aking mga bagong sayber TROPA. Oh diba ansaya, may nakakatiis din pala sa akin kahit papaano. Bilang pani-MULAT, si ATOM BOMB o Atom sa tunay na buhay sa harap ng mundong, malawak na sapot (world wide web sa ingles kung hindi ka pinoy) ay mailalarawan bilang isang napakaextraordinaryong nilalang, hindi ako alien pero, mala-extraterrestrial ako, kakaiba kumbaga.

Ayon sa aking pagkakaalam, Cross breed ako ng Hyena at Panda, bakit kamo? Palatawa at palangiti ako (Hyena) at syempre maamo ang personalidad (Panda). Pwede ring cross breed ako ng Hito at Alimango, Bakit na naman? Kasi mahilig ako maligo sa ilog namin (andaming hito doon) at matalas ang kuko ko pag nangungurot (Alimango). Cross breed ako ng isang kulangot at ng isang tighiyawat, dahil mahilig akong mambilog o mambola (kulangot, tapos lagay sa ilalim ng desk) at wagas, kasing puti ang hangarin sa buhay (taghiyawat na may nana na). Sabi ng nanay ko kahit nung maliit pa ako cross breed naman daw ako ng isang tinapay na MONAY at isang Guro, kasi Masarap (akong magmahal) daw ako kahit walang palaman (MONAY) at mausisa at nakikinig daw ako (guro). Ang tatay ko naman sabi pinaglihi ako ng nanay ko sa Singkamas at talong, kasi kahit maiitim ang lahi namin, maputi ako (tay hindi ka ba nagtataka kung bakit?lols) at talong (sabi nya wala lang kasi katabi ng singkamas ang talong sa awit na BAHAY KUBO) Sabi ng ilan cross breed naman daw ako ni Superman at ni Krystala, baket? Kasi matatag daw ako sa mga pagsubok (Superman) pero iyakin din kung minsan (Krystala- oist A Real MAN cries!) pero mabibilang lang sa kamay yung minsan na yun. Pinaghalong ketsup at mantika din ako, kasi madudugo ang pinagdaanan ko sa buhay (ketsup) at oily ang face ko (mantika, talagang sinama sa description, hehe). Sa dinami dami ng cross breeds na maihahalintulad sa akin, dito ako natuwa, cross breed daw ako ng Unan at ng isang octopus. WHY WHY WHY? Hulaan nyo na lang kung bakit. =D

Sa totoong buhay, ako ay isang simpleng mamamayan ng Pilipinas na naghahangad ng isang magandang bukas hindi lang para sa akin, higit sa lahat sa aking mga mahal sa buhay at sa bansang sinilangan (naks, patriotic). Isa akong anak na pasaway pero mahal na mahal ang kanyang mga magulang. Isa akong kapatid na mapagmahal, sa katunayan lahat ng gamit ko, sa kanila napupunta (hand me downs sa inglets). Isang kaibigang maaasahan at kaya din namang mang-umbag o manampal para magising sa katangahan ang isang nagbubulag bulagan sa pagmamahal. Isa akong lover in the province, na wala pang opisyal na lover, loveless na lover in short. Isa akong avid reader at tagahanga ng mga nakaka intrigang love stories sa blogworld, mga palitan ng akusasyon sa isat isa, at mga blog na hindi lang nagpadugo ng aking ilog, nag patibok din ng aking puso at ng kung anumang dapat pang tumibok at kumislot. Hehe. Masiyahin ako, halata naman diba, kung hindi ka naniniwala, ok lang, wala akong paki. Hmmmp hindi tayo bati.

Marami pa akong kwento, ibabahagi ko sa inyo kung sasamahan nyo kaming maglakbay sa buhay na ito, nawa ay may mapulot kayong aral sa buhay at leksyon sa araw araw. Mapangiti sana kayo sa mga kwento ng totoong buhay, makipagpalitan ng kuro kuro sa mga isyung napapanahon, magising sa umagang may pag-asa, at mabigyan ng lakas ng loob na ipaglaban ang mga bagay na karapat dapat ipaglaban. Masarap mabuhay kung puno ng pagmamahal ang puso, kung tunay kang Malaya at walang inaalintanang sakit. Kaya iwanan na lahat ng bagaheng nagpapahirap sa buhay mo: kung hindi ka mahal- huwag ipagsiksikan ang sarili. kung pagod ka na- magpahinga ng mataimtim saka ulit sumubok. Kung malungkot ka – hanapin ang magpapasaya, huwag magmukmok sa isang tabi. Iyan at marami pang iba ang nais kong maibahagi dito.

Ako si ATOM BOMB, MAGPAPASABOG- hindi ng mga utot na kwento, kundi ng mga Istoryang nagpabago, nagpapabago at magpapabago sa pananaw ko at nawa sa pananaw mo din sa buhay. Ako siguro ang balanse sa timbangan na katapat ng mga taong EMO!!! Kaya kung EMO ka, ako na siguro ang hinahanap mo tsong o tsang. Malay mo TAYONG DALAWA AY SA ISAT ISA… (kinanta mo ano?)

4 comments:

  1. welcome sa jabblo, kaibigang atom! hehehe saya naman ng pagpapakilala mo. ngayun ko lang napagtanto na napakarami ng iyong magkasalungat na lahi (cross-breed sa ingles) pero yun ang senyales na talagang nagiisa lang ang tulad mo sa mundong ibabaw at nararapat ka lang maging tropa ng jabblo.

    magkasalungat na lahi ng Unan at ng isang octopus? hulaan ko... UNAN kasi medyo me katabaan ka at masarap ka yakapin.. malambot at malaman... OCTOPUS kasi meron ka walong kamay at kaya mo mag-maraming-gawain (multi-tasking) joke! hehehe o kaya mahigpit ka kung yumakap o kaya natural ka na magaling chu????. TNM! (LOL sa ingles)

    ReplyDelete
  2. ang tindi naman ang interpretasyon ni emanon sa unan at octopus pero PUWEDE!. hahaha.

    sa akin naman. UNAN kasi masarap kang ikama. o masarap kang yakapin pag malamig ang panahon. o di kaya masyadong malambot ang puso mo. hehehe. OCTOPUS dahil masyado kang possessive. kapag minahal mo ang tao talagang todo na di na siya makaligtas o makahinga. o di kaya bumubuga ka ng tinta pag nakakaramdam ka ng panganib. o di kaya, magaling kang makibagay o makisama sa ibang tao.

    dami ah. hahaha. pero suma tutal noon masarap kang magmahal. hehehe

    ReplyDelete
  3. @Emanon
    salamat sa iyong mainit na pagwewelcome kaibigan...
    hmmm katamtaman lang naman ang aking katawan, hindi masyadong payat at hindi rin naman mataba pangarap ko ring maging gymfit kaso hanggang gymrat lang yata ako, hehe.

    sa octopus naman 2 lang naman ang kamay ko, kaya mejo normal parin. wahaha, no comment ako dun sa huli. wahahaha TNM

    ReplyDelete
  4. @MASAI
    masarao ikama - check (kapal ng mukha, bwahaha)
    Msarap yakapin - Check
    Malambot ang puso - Triple check

    Possessive - hindi masyado, hinahayaan ko lang kung sinuman love ko na maglandi basta hindi ko alam. wahaha
    Todong magmahal - hindi rin. mahilig ako manakit ng tao.
    nagbubuga ng tinta - yaan pwede yan lalo na kung nag ka climax, wahaha
    Magaling makibagay - check check check, flxible kumbaga tulad ng mga octopus.

    Masarap magmahal - hindi ko alam, tanungin ko ang mga MINAHAL ko, tapos i blog ko ang sagot nila

    =D

    maraming salamat sa pag welcome sa akin dito!

    ReplyDelete