Thursday, August 20, 2009

Health Conscious

Mga magulang na nagka-umpukan sa harap ng conference table at kumakain.

Magulang1: Anu ba namang burger ‘to? Napaka-dry! Kahit bibigyan ako ng isa pa nito di ko na kayaning kainin. Wala bang dessert?

Isang nanay ang panandaliang tumayo at may dalang tsokolate ng bumalik. Kumuha ang mga magulang. Kumain.

Magulang1: Anu ba naman ito, sobrang tamis?

Magulang2: Reklamador to.

Magulang3: Kanina ka pang reklamo ng reklamo ah. Kanina, sabi mo ang fries, mamantika. Tapos ang burger, masyadong dry. Tapos ngayon naman ang tsokolate, ay sobrang matamis.

Tawanan. May nagtanong kay magulang1.

Magulang3: Iyung anak mo ba reklamador din?

Magulang1: Hindi. Lahat kinakain iyun!

Tawanan ulit. Nakisali ang isang nanahimik na single parent.

Magulang4: Ang anak ko, di kumakain ng may asin, may asukal, at may mantika.

Magulang5: Ang boring naman ng buhay ng anak mo. Ayoko ng ganyan, gusto ko mamatay ako na nakangiti.

Tawanan.

Magulang4: Ok lang daw sa kanya. Gusto daw niyang gumaya sa akin. Merong six-pack abs!

Hagalpakan sa tawanan. Ang mga anak ay dapat tumulad sa kanilang mga magulang.

2 comments:

  1. wahaha, bakit ang napicture ko kagad when i read the post eh mga nanay ang nag uusap? hehe, kaya nagtaka ako na may nagka six pack abs, haha.

    ganun ba kaboring talaga ang may mga mamasel na katawan dapat madisiplina talaga lalo na sa food? parang ayaw koo na tuloy magka abs, hindi ako madisiplina tamad pa! haha.

    ReplyDelete
  2. OMG! para narinig ko na ang ganitong paguusap. TNMz!
    hindi kaya kamaganak ko si Magulang 4. :D

    ReplyDelete