Wednesday, August 26, 2009

Three-Second Look

marami na akong nababasa sa mga blogs ukol sa "three seconds look". iyun ba ang tipong may titingin sa iyo sa isang publikong lugar ng mga tatlong segundos pagkatapos sasabihin mong trip ka o may gusto sa iyo iyung tumingin. sa isang salita, bakla iyung tumingin sa iyo pag kapwa mo siyang lalake. pusang gala, di totoo lagi iyun.

kahapon, habang nakasakay kami sa bus papuntang dorm, isa sa aming kasamahang lalake ay biglang napasambit "wow, papable", sabay turo sa isang sasakyan na kasabayan ng aming bus. nang nilingon ko iyung nasabing sasakyan ay nakita ko ang isang pulang kotse na merong nagmamaneho na foreigner. doon ko na-gets iyung sinabi niya. "papable" as in puwedeng maging papa. nagtaka ako sa kanyang ipinakita. alam ko na meron siyang asawa (bagong kasal pa nga) sa pinas. naisip ko tuloy na bakla siya. at dagdag pa doon, napansin ko na nakatitig siya doon sa foreigner hanggang sa lumagpas ang bus na sinasakyan namin.

mahigit sa tatlong seconds iyun ha. kung susundin natin ang rules doon sa "three seconds look", aba di lang siya PLU kundi baklang malandi pa talaga. pero basta basta na lang ba natin husgahan ang ginawa niyang iyun? anu kaya ang nasa isip niya ng sinabi niya iyun at habang tinititigan niya iyung mamang foreigner?

batay sa mga nabasa ko sa mga blogs, mako confirm natin kung PLU nga ang gumagawa ng "three second look" pag tumingin siya ulit. pero di nangyari iyun dahil lumagpas na nga iyung sasakyan namin kaya di ko puwedeng husgahan ang aking kasamahang lalake. at kahit siguro mangyari iyun, napaka-unfair para sabihin na bakla iyung kasamahan namin.

siguro mas mainam na huwag na lang tayo maging assuming. mahirap kasi sa iba diyan eh gusto lahat ng lalaki bakla para lang sabihin maraming bakla sa mundo. bakit di na lang natin isipin na lahat ay lalake at walang bakla. kapag nasa kalye ba tayo ma-dedistinguish mo ang bakla sa hindi bakla? mahirap yata iyun. bakla lang ang lalake pag makita mo siyang nakikipag-sex sa kanyang kapwa lalake. oppppsss... so ang lalakeng bayaran pag nag siserbis sa isang lalake ay bakla na din? sige sabihin mo iyan sa kanila kung hindi ka mabubugbog.

so, next time na meron kang masasalubong o makikitang nag 3-second look sa iyo, huwag ka magyabang o magmaganda. huwag kang assuming na type ka ng tumingin sa iyo. bakit di mo siya yayain at mag-date kayo. yayain mong mag-sex kung ganyan ka katapang. siguro diyan, bibilib na ako sa iyo. at sa mga baklang nag0iisip ng ganyan, ikaw lang ang bakla uy. huwag ka ng mandamay. hehehe

2 comments:

  1. uu di naman tama ang rule na yan sa lahat ng pagkakataon.

    malay natin kaya lang siya nakatingin eh kasi dahil tinitignan mo rin siya.

    ReplyDelete
  2. ang three-second look ay panimula lamang sa isang posibleng attraction at hindi dapat maging solong batayan.

    bilib ako sa pananaw mo. lahat lalake at walang bakla. hahaha

    ReplyDelete