Saturday, September 5, 2009

Girls in the Men's Room

Have you tried courting a guy?

Ako hindi pa.

Last year, I schemed on courting one of my colleagues, pogi, matangkad, mas bata sa akin ng dalawang taon. Matapos ang isang linggo ng pagplano at paranoia, ako ay nag-backout: iba na nga pala ang panahon ngayon.

Nasanay ako na ako ang pinopormahan. Sinasamba. Pinagkakaguluhan. Laman ako ng Santa Cruzan o kaya abay sa kasal kahit hindi ko kakilala. Nabuo sa aking isipan na ang tulad ko ay hinahabol.

Hindi sa pagmamayabang, pero nanlalait talaga ako kapag pangit ang hilatsa ng mukha ng isang tao. Tulad na lamang ng dugyutin ko na classmate noong senior ako sa isang high school. Ang tigas ng mukha ng peste, tipo daw ako. Bukod sa amoy kamote ang singaw niya kahit bagong ligo, puno ng an-an ang mukha ng gago, at sa pagitan ng mga an-an, tinadtad ng pimples.

Hindi ko talaga lubos maisip na dumikit kay Kamote. Ni hindi nga ako kumakain ng kamote, patatas o gabi or anything na galing sa lupa, e di lalong-lalong hindi ako papatol sa taong kinakapitan ng talaba. Pero elibs din ako sa ugok na iyon, pinormahan ang aking magaling na ina. Mahabang kwento ayoko nang ituloy. Naalala ko lang kung paano ko sinagot ng pabalang ang aking ina ng sinabihan niya ako na mabait naman daw si Kamote, sana igalang ko naman daw ang hampas lupa. Banat ko kay ina, "Nay, hindi ako tanga tulad mo."

Hindi nagalit or natuwa si nanay.

Pero 'di ako natuwa sa tabas ng dila ko.

Nagkaroon ng malaking espasyo sa bahay at sa aming mga buhay.

Lumipas ang mga buwan, pumasok ako sa isang katolikong unibersidad sa Manila. Hindi pa natatapos ang isang semestre, hindi na ako lumingon sa aking pinanggalingan, except na lamang kung kailangan ko ng pera. I just enjoyed my college life to the fullest, Tangina! ang daming hot sa campus at sa mga kalapit na school. Sino ba ang hindi malilibang?

Weakness ko ang mga pogi na tulad ni Jo.

Ang animal na si Jo, third year sa college ako noon.

Masarap sa kama si Jo. Alam mo ba? Kung nakadamit ang hayup, ang sarap hubaran. Si Jo, na kulang na lamang ay patayin ako sa sweetness at pagiging niyang gentleman. Marespeto at ipinakilala agad ako sa kanyang mommy at daddy.

Si Jo na Johannes sa tunay na buhay, graduate ng U.P. Manila, B.S. ___ ayun nangunguna pala sa pagsuporta kay Paris Hilton. Although hindi pa nga pala uso si Paris Hilton ng mga panahon na iyon. Putangina bakla yun! Sila pala ng best friend nya na si Stephen na graduate ng La Salle. (Stephen was his real name and the bitch works in a call center somewhere in the vicinity near RCBC PLaza.)

Kabit pala ako.

Masakit.

Front ako.

Hindi pa tapos ang kwento.

Sinugod ko sila sa condo ni Jo noon sa may Vito Cruz the day I learned about their affair. Wala naman na eskandalo na common sa mga cheap telenovelas na paborito ng karamihan ng mga bakla sa Pilipinas. Hindi ako cheap.

Naabutan ko si Jo at Stephen in their boxers, puno ng pawis sa torso at mukha. I think katatapos lang ng kantutan.. Ang tagal ko kaya na kumatok sa pintuan sa isa sa mga unit ng condominium na sa parapet ng penthouse ay billed ang mga salita na "In God We TRUST."

Leche.

Sana gumagamit sila ng Trust condoms. Pero I sincerely hoped those times sana they will contract HIV.

Si Jo na madalas magbigay sa akin ng maliit na teddy bear every eighteenth of the month sa loob ng sampung buwan. Jo, who drove all the way to Quezon, para dalhin lang ang laptop na naiwan ko sa bahay nina Jenny, to think nasa hospital ang mama nya.

Si Stephen pala by the way, he tried to seduce me, one night. Pero seryoso talaga ako kay Jo. Hindi ko sinabi ang mga pangyayaring ito kanya. (Sayang ang abs at shoulder ni Stephen, kaso bakla naman.)

It was a good game that they ran well on me.

Pero what was really ironic that night when I walked away from Jo's unit?! Tangina! Nakasalubong ko ang classmate ko noong high school na mukhang kapitan ng tulya sa dagat ng Bacoor. Ang guy na dugyutin na nanligaw sa akin.

Ang cute at ang yummy-yummy ng itsura ng hayup ngayon hindi na mukhang kamote.

Pero mas gwapo ang kasama niya.

At sweet sila.

Natigil sa pagtulo ang mga luha sa aking mga mata.

Mangingiti ba ako? Magtatago? Magpapakilala?

Tae. Sakit sa bangs ng mga gago.






*Si Gocta de Leche ay halos 3 years ng single, part-time model, full time research scientist. Tropa nya ng isa sa mga pioneers ng Jabblo. Nagkakilala sila ng minsan si Gocta ay nagmodelo ng hubo't hubad para sa kanya for a fee.

7 comments:

  1. awww ansakit nga nun *hugs*

    ReplyDelete
  2. hmmm... so this is the lady in the men's room. mukhang tigasin din. i wonder if u could last. good luck. ;)

    ReplyDelete
  3. ows! babae ka nga ba? pahawak nga ng boobs. TNMz! welcome gocta de leche sa jabblo!

    ReplyDelete
  4. Gusto ko 'tong post na to. Walang pasikot-sikot at diretso sa punto.

    ReplyDelete
  5. it gets better after highschool. ;)

    and the title of this post reminds me of "androgyny" by garbage.

    ReplyDelete
  6. grabe naman 'yung nangyari sayo.

    ReplyDelete

Powered By Blogger