Friday, January 8, 2010

Bagong Bersiyon

Bagong taon, bagong gimik, bagong bersiyon, pero ang tanong, lumang intensiyon ba? Walong araw ang lumipas pagkatapos ng bagong taon at walong araw na rin ako nagmamasid-masid sa mga community sites pero nagulat ako ngayong umaga sa isang message na aking natanggap sa PR.

“kuya pede po b pumunta jan now>? dito me boni mrt po nadukutan kc ako eh tga sta cruz,laguna pa uwian ko pls poh kuya im begging po kc ala ako kamaganak ditto pls poh im willing to do anything po 0915XXXXXXX”. Sabi ng isang 22 anos na binata, matangkad, balingkinitan, guwapo, maputi, at higit sa lahat, kakayanin lahat.

Ano na namang gimik to? Last year lang ilang salaysay na ang aking narinig at nabasa ukol sa mga panloloko na gumagamit ng ganitong kuwento. Laging nawawalan ng pera habang nasa malayong lugar na walang kakilala. Pero itong kuwento na nasa boni mrt ay talagang nakapagpatawa sa akin. Ginawa niya ang message habang na boni station siya? Meron bang internet cafĂ© doon? Kung cellphone naman gamit niya, ibig sabihin kaya niyang tumawag sa mga kamag-anak niya o mga kaibigan man lang. bakit sa isang di kilala pa siya humihingi ng tulong? At meron pa siyang pahabol na “willing to do anything”. Tangengot pala siya eh.

“dito ako sa citihall. Malapit sa police station. Puntahan mo ako. hehehe” sasabihin ko sana sa kanya pero huwag na lang at baka matakot pa. Pero malas niya at di ako madaling mapaniwala sa mga ganyang kuwento. Pero palagay ko marami pa siyang pinadalhan ng ganyang message at siguro kung sinusuwerte siya merong papatol sa message niya. Dalawang klase lang naman na tao ang puwedeng pumatol sa kanya. Iyung sadyang matulungin na hindi na nag-iisip kung posibleng niloloko lang siya at ang taong gustong malaman kung ano ang mao-offer niya.

Bagong taon. Dapat bigyan ko ng benefit of the doubt iyung nagpadala ng message, kaso sinasabi talaga ng utak ko at ng aking instinct na panloloko lang ang lahat. Medyo naiiba nga siya sa kaing mga narinig dati pero halata naman kung anu ang intensiyon. Mas malaki pa nga ang posibilidad na mas magiging uncomfortable at delikado ang magiging resulta kung papatulan ang message niya dahil willing siya makipagkita. Sana lang walang tumugon sa kadramahan niya dahil kung magkataon, malaking pagsisisi ang gagawin ng taong naniwala sa kanya.

4 comments:

  1. tsk tsk, mahirap yan. dami tuso these days

    ReplyDelete
  2. marami manloloko ngayon. kaibigan mo nga kaya kang lokohin eh, estranghero pa. dapat maging wais ngayon.

    ReplyDelete
  3. Yang mga ganyang pautot ng mga manloloko ang nakakagigil patulan. mga tipong kitain at iset up "BITAG ka gago"

    Mga mandarambong na walang utak at mahina ang imahinasyon gumawa ng creative na scam.

    Sana nga walang naloko yung bobo na yun.. dahil hindi lang mapanganib... nakakahiya pa dahil naloko ka ng BOBO

    Hanggang sa sunod na daan namin dito.

    ReplyDelete
  4. AMF. Karmahin sana siya! Tsk tsk.

    ReplyDelete