Saturday, March 13, 2010

Pangulong Panggulo

Nung bata pa ako, tinanong ko sa tatay ko kung bakit puro na lang lalaki ang nagiging presidente, bakit kakaunti ang babae.

"Tay, tay bakit ba puro lalaki ang pangulo palagi?" tanong ko

"Kasi anak, ang babae puro dakdak lang ang alam gawin at ang lalaki ang mas matalino." tugon ni itay.

"Bakit naman mas madaldal ang babae kesa sa lalaki itay? Tsaka matatalino rin naman ang mga babae ah?" ang kulit ko ulet sa kanya

"Kasi anak ang babae dalawa ang bibig, isa sa mukha isa sa pekpek nya. Ang lalaki naman dalawa ang ulo, isa sa dito (turo sa ulo) at isa may alaga pang itlog na dalawa." natatawang sagot niya.

"ahh ganun ba itay" inosente kong sagot.

---

Gumagawa ako noon elementary ng project na compilation ng mga halamang gamot, dahil walang kaalam alam ang inay sa ganun, ibinugaw ako sa aming kapitbahay para doon ako mangulit.

"Ate Linda para saan ba ang dahon ng sampalok?"

"Gamot iyan sa namamagang pekpek ng dalaga." sagot nya habang nagluluto ng sinigang.

Ako naman sige sulat ng mga sinasabi niya sa kopon ban na nakadikit ang mga halamang nakulekta ko.

"Ang bulaklak ng gumamela, gamot din ba ito?"

"Ayan naman gamot sa mapulang labi ng batang nagpapalobo ng baloon." malumanay niyang sagot.

"Ang saging ate linda?"

"Yan ang pinakamabisang gamot sa mga gutom na unggoy."

"Ang peanuts o mani ate Linda gamot din ito ano?"

"ay iyan magandang gamot yan sa maliliit na uten." natatawa niyang dikta sa akin

habang naglaon ang aking pagtatanong parang napaisip ako na niloloko lang niya ako, subalit tinapos ko na rin at ipinasa kay Maam Ramos. Hindi ko matandaan kung ano ang aking grado.

---

Tsaka na ulet ang kiddie kwento ko, lakwatsa time muna, Naghihintay si Kamagong.

No comments:

Post a Comment