dumating na ang pinakakinakatakutan na araw sa buhay ng pamilya ni pipoy. ito ay ang paglisan ng kanyang pinakamamahal na lola. isang araw nakatangap si pipoy ng tawag mula sa kanyang ina upang ipagbigay alam ang pagpanaw ng kanyang lola. ngunit dahil nasa trayning siya ng mga panahong yaon, hindi siya agad nakapunta. nagpaliban pa siya ng ilang araw para mapuntahan ang burol ng kanyang lola.
pagkalipas ng ilang araw ay nakadalaw na si pipoy sa burol ng kanyang lola. doon nadatnan ang napakaraming tao. may ilan-ilang pamilyar ang mukha ngunit karamihan ay hindi niya kilala. isang senyales na hindi talaga siya malapit sa ibang kamag-anak. dahil na rin siguro sa hindi siya naging prioridad ng kanyang magulang na isama sa mga okasyong pang-angkan.
lumipas pa ang ilang araw. dumagsa pa rin ang ibat ibang tao sa burol ng kanyang lola. meron mga pagkakataon na ipakilala si pipoy sa unang pagkakataon sa mga kamag-anak na doon niya rin lang unang nakita.
habang nakikiramay ang buong bansa sa libing ng yumaong presidente corazon aquino. nagaganap rin ang prosisyon sa lola ni pipoy. sa chinese north cemetery ang huling hantungan ng lola ni pipoy. cremation procedure pala ang pinili ng pamilya ni pipoy para sa labi ng kanyang lola. para mas madaling maiuwi ang labi sa matandang bahay sa probinsya nila pipoy.
habang nagaganap ang cremation nakapagisip-isip si pipoy kung sakaling dumating ang ganitong kabanata sa yugto ng kanyang buhay. ikinuwenta ni pipoy ang total na nagastos ng pamilya para sa kanyang lola. lumalabas na medyo may kalakihan pala ito.
nakapagisip si pipoy na pag dumating ang araw na ito ay ideretso nalang sa cremation ang kanyang labi, kasi mas makakatipid ang kanyang mga mahal sa buhay. 80 porsyento ang matitipid. kasi wala ng magaganap na pagiimbalsamo. wala ng kabaong. wala na rin renta sa puneraria. wala na rin lamay. wala ng pakain sa mga angkan na hindi naman siya kilala..
nakakatawa kung iisipin pero sa panahon ngayun..
palagay ko papayag na rin kayo.
HA-HA-HA-HAYZ BUHAY NGA NAMAN!.
TWENTY YEARS
5 months ago
