kagabi nagsimula na ang Pinoy Survivor sa GMA. ikalawang season na sila at sa inaasahan ng nakakarami, halos lahat ng mga kalahok ay tila "matamis sa mata" (eye candy po ang ibig kung sabihin. hehehe.). hindi lang sila mga magagandang lalaki at babae pero may magagandang pangangatawan din, maliban na lang siguro sa dalawang kalahok na nakakatanda.
alam naman siguro natin kung bakit ganyan ang mga pinipili ng mga tv stations, kasama na ang ABS diyan at iba pang istasyon siyempre. eh sinu ba naman ang manonood ng tv kung ang ipapakita ay hindi kanais-nais eh ang mga pinoy pa naman ay mahilig sa mga beauty na hinahalimbawa ng mga taga-kanluran. at isa pa, gusto ng manonood kung ano ang mga intriga ang kanilang masasaksihan sa mga tao na tila para sa kanila ay kaakit-akit. siguro kung puro mga celebrity pa iyun, mas lalong panonoorin. pero anu namang mga kagandahang asal ang ating mapupulot sa mga ganitong programa?
wala! meron? sige magbigay kayo ng opinyon mo. hehehe.
gloomy friday
7 years ago
kapamilya ako, so hindi ako bihasa sa survivor, hehe.
ReplyDeletesa reality programs sa palagay ko, ine enhance sa mga pinoy ang kanilang pagiging tsismosa o mahilig makialam ng buhay ng may buhay.
at isa pa, natututo ang pinoy na mag drool over sa mga nagseseksihan at naggagwapuhang nilalang.
opinyon lang!
At dahil wala akong TV wala akong K mag opinyon sa topic na ito. But... Tama nga, walang matututunan jan. Puros kalaswaan lang!
ReplyDeleteAhihihihi :-)
hmm...may naisulat ako na entri sa aking blog tungkol dito. pareho tayo ng kuro-kuro tungkol dito. isa na nga itong trend ng mga tv networks sa ngayon eh pagdating sa pagpili ng mga kalahok sa mga reality shows.
ReplyDeletehttp://semajiography.blogspot.com/2009/08/artista-factor-kwentong-survivor-unang.html