Friday, August 14, 2009

Ako si Masai

pangalan ay masai. tunog hapon. kasarinlan aprikano. puwede ring arabo. nasa bansang hapon. bayan ay pilipinas. isip amerikano. ayaw maging amerikano. mukhang pilipino. dugong pilipino. ayaw mag-asal pilipino.

ako si masai. dalubhasa sa kanyang napiling karunungan. tagapangalaga ng kanyang kapaligiran. prayoridad ang kalusugan. seryoso sa pangkalakasan. malakas kumain datapuwat may kapayatan. mahusay sa pagguhit at pag-dibuho subalit nagpupumilit sa pag-kanta at pag-awit.

ako si masai. matalino. ayaw sa nagdudunong-dunungan. matino. ayaw sa nagmamatino. mayabang. ayaw sa nagmamayabang. pakialamero. ayaw pinapakialaman. suplado. ayaw mag-sisinuplado. kelan man di maginoo. kelan man di bastos.

ako si masai. ayaw sa bata. gusto ay bata. may pamilya. wala sa pamilya. ayaw magkapamilya. may anak. walang asawa. may mga kaibigan. kaunti ang mga kaibigan. namimili ng kaibigan. walang alam na kaaway. ayaw ng kaaway, gustong kaawayin.

ako si masai. tingin ay kinatatakutan. salita ay pinanginginigan. kilos ay pinangangambahan. katawan ay pinangingilabutan. isip ay pinag-aabanganan. pagkatao ay pinag-uusapan.

ako si masai. isang komedyante pero hindi nagsisinungaling. isang tao na piniling maging jabblo. bwahahaha.

4 comments:

  1. galibog ulo sa imo. nalilito ako, pero nandoon ang daloy ng iyung kaisipan. magnificent! hehehe

    ReplyDelete
  2. nakakasindak ang halakhak sa huli. hehe

    ReplyDelete
  3. oo nga prince. parang may maitim na balak.

    ReplyDelete
  4. @Trip, salamat dahil kahit nalilito ka ay nasusubaybayin mo pa rin iyung ibig kong sabihin. :)

    @Prince_Cloud at xtian1978ii, nakakasindak na ba iyun? meron nga akong mga balak preo hindi naman maitim. hehehe

    ReplyDelete