Taga bundok ako at sa may bundok din ako nag-aral sa elementarya ilang taon na ang nakakalipas. Halos kilokilometro ang layo ng aming eskwelahan sa aming bahay, dadaan muna ako sa dalawang ilog, aakyat sa matatarik na bangin, maalikabok na daanan pag tag araw o kayay maputik kung tag ulan, matataas na talahiban at tubuhan at kung minalas malas ka pa madadaanan mong may sawa sa daan o kayay hahabulin ka ng bagong panganak na kalabaw ng iyong kapitbahay o di kayay hahagarin ka ng asong ulol na kanina pa nakatitig sa iyo, at naglalaway pa. Take note hindi pa uso noon ang hanging bridge, tulay na bato na iniayos ng tatay ko para maging tulay (patalon talon ka from one big stone to another) lang ang magliligtas sa kumikinang mong sapatos pagdaan mo sa ilog. Kung tag ulan ihanda mo na ang iyong sarili sa pag suong sa baha at dapat magaling kang lumangoy dahil baka anurin ka ng mala tsunaming agos ng ilog na kulay brown, minsan may kasama pang mga punong kahoy dahil sa soil erosion.
Pagpasok sa gate ng eskwelahan, hindi alintana ang pagod, pipila ako kasama ang mga cute na cute na batang paslit, kagaya ko at aawit ng Bayang Magiliw Perlas ng Silanganan, kakanta ng Ako ay Pilipino ang dugoy maharlika…, mag pa-Panatang makabayan Iniibig ko ang Pilipinas… at syempre ang nakakatuwang ehersisyo tuwing umaga (1,2,3,4,5,6,7,8, then 8,7,6,5,4,3,2,1). Minsan pinangarap kong ako naman ang tatayo sa gitna ng stage para kumumpas ng 4 by 4 beats ng Lupang Hinirang o kayay ako naman ang hahawak ng lubid na magtataas o magbababa ng Watawat ng pilipinas, pero hindi ito kailanman nangyari, payatot at lampa pa kasi ako noon. Pagkatapos noon papasok na sa kwarto. Palagi akong nasa ROW 2 , kasi ayaw ko sa Row 3 at 4. Oks lang sa row 1 pero hindi naman ako mahilig sa spot light. Bakit ayaw ko sa row 3 o 4, dahil naiinis ako sa kantang pambata namin dati:
Row 1 – sipsipan
Row 2 –mababango
Row 3 – nagtatae
Row 4 – mga salbahe
So dahil likas na mabango naman ako, sa row 2 ako lagi.
Aba aba aba, proud sa akin ang aking mga magulang ko kasi palagi sa recognition day lagi sila umaakyat sa stage para I-PIN sa akin ang PINK na ribbon dahil Honors ako. Pumalpak lang ako noong grade 5, ewan ko ba kung bakit inalisan ako ng karapatan ng adviser ko noon. Nasira tuloy ang track record ko. Pero naghiganti ako noong Grade 6, nag honors ulet ako. Epal ako eh.
Pangarap kong maging guro. Kinder pa lang ako pinangarap ko na ring humarap sa unahan ng klase at ako ang humalili sa pagdadakdak ng guro ko. Pero hindi naman likas sa akin ang atribida at lalong lalo na hindi ako madaldal, sa katunayan mahiyaan ako at walang lakas loob na humarap sa tao. Hanga lang kasi ako sa lakas ng loob at tyaga ng taong buong araw tinitiis ang makukulit, nakakaasar at minsay mababahong estudyante na 8 oras sa isang araw, limang araw isang lingo, halos 9 na buwan sa isang taon niyang kaharap. Kaya nais kong magbigay pugay sa mga Gurong nagbahagi at nagbigay kaalaman na ang buhay ay weather weather lang.
Kay Mr. Swabe, Prinsipal sa Mababang Paaralan ng Bulubundukin, dahil sa hindi mamatay matay na tsismis noon na palaging pinapupunta nya si Mam BEA sa kanyang Opis dahil, Kabet nya ito. Idagdag pa ang paghambalos nya ng napakatuminding palo ng walis tingting sa dalawang estudyanteng nagsagawa ng Flag ceremony dahil sumadsad sa lupa ang sagradong WATAWAT ng Pilipinas. Sigurado akong hindi rin nila malilimutan iyong palo nyo Ser.
Kay Mam Atienza, kinder, salamat at binigyan mo ako ng kauna unahang ribbon noon ok na sa akin yung Third honors. Pero sana first, tutal naman cute din ako katulad nung second honors eh.yun nga lang wala ako lagi sa iyong regalong imported na tsokolate na bigay ni First Honors. Hanggang sumang lapad lang ng nanay ko ang naibibigay ko sa inyo eh.
Kay Mam Care, Grade 1, Sa pagpupunas ng wee wee ko nung naihi ako sa short sa classroom, pero bakit nung natae yung katabi ko sa classroom, ako at hindi ikaw ang sumama at naghugas sa kanya.?
Kay Mam Ruth, Grade 2, kilala ko napo kung sino ang kumuha ng wallet nyo noon. Hindi ako, kundi yung Bestfriend ko, pero nalaman ko lang na clepto siya noong grade five kami, bagong tuli ako, nakita ko kasi na yung nawala kong kaunaunahang Brief sa tanangbuhay ko na nakuha kong regalo kay nanay eh suot suot nya isang araw. Kita pa kasi yung ATOM na nakalagay sa garter nya.
Kay Sir Mario, Grade 3, Sa walang kamatayang raffles. Sa pagsamsam mo sa ginagamit naming LASTIKO sa pag cha-chinese garter, at pag sisipa, sa pagkuha mo ng aking mga jackstones habang nag tutournament kami sa classroom. Kinuha mo rin ang mga TEX kong X-men, OK Ka fairy ko, Power Rangers, tapos nakita ko na ginagamit ng mga anak mo. Para mo na ring kinuha ang aming pusot kaluluwa. Pilit mo ring kinuha ang aking Brick game na usong uso noon, pero hindi ka nagtagumpay bwahaha.
Kay Mam Motor, Grade 4, otherwise known as my Ninang Sharon, dahil tuwing may summative at periodic tests ay binibigay na nya sa akin ang key to correction ng test paper bago ang pagsusulit para lagi akong top sa exams nya.
Kay Mam Rosalinda, Grade 5, isang making hmmmmmp sa iyo, dahil inalisan mo ako ng Honors noong grade 5, dahil siguro itsinismis kita na love na love mo dati ang tiyuhin kong maputi at kerengkeng ka at talagang pinupuntahan mo pa siya sa bukid namin.
Kay Mam Maria Mercedes, grade 6, salamat at nakuha kita sa Bola at ginawa mo ulet akong Third Honors. Salamat at inaway mo din Si mam Rosalinda dahil pinangalandakan mo daw sa Faculty room na gumaling ako sa pag aaral nung ikaw ang nagturo.
Kay Sir Ogie, Grade 6, Dahil pinakanta mo ako sa harap ng klase ng “AKALA KO IKAW AY AKIN, huhuhu, TOTOO SA AKING PANINGIN, huhuhu, NGUNIT NG IKAW AY YAKAPIN, huhuhu, NAGLALAHO SA DILIM, huhuhu” hindi ko malilimutan iyun sir! May potential pala akong maging… performer at Komedyante. Hehehe. Tawanan kasi ng tawanan ang buong klase nun eh, dahil tulo na luha ko pati uhog ko tulo din, tuloy pa rin ako sa pagkanta. The show must go on pa rin dapat, ang ginawa ko!
Sa inyong lahat maraming salamat sa paghubog sa akin! Hindi ako magiging pasaway, masayahin, makulit, mapagmahal, matigas ang ulo, masipag, palakulangot, pursigido sa buhay, at kung ano ano pa kung wala kayo. Naging expert din ako sa paghuhugas ng pwet ng may pwet, o kayay pag aralang pigilin ang pag-ihi para hindi basa lagi ang shorts. Nalaman ko rin na pwede palang maging mag bestfriend ang isang principal at ang isang grade 6 styudent (insert nasty grin). Kahit batam bata pa lang nahahasa o namumulat na rin sa pang iintriga at kurapsyon sa lipunan, syempre natuto ring i classify ang tama sa maling asal. Natutunan ko rin na kahit pala teacher nananakawan din ng estudyante. Napagtanto ko rin na pag may kinukuhang gamit ang isang teacher sa inyo, o kayay nagpaproject panigurado iuuwi lang nya yun sa bahay nila at ibibigay sa mga anak. Napagalaman ko rin talaga na Blood is Thicker than water Diba Ninang Sharon?
Higit sa lahat, lahat ng tagumpay ay nakukuha sa pagtitiyaga, kasipagan at pasensya, tiwala sa sarili at pagtanaw kung saan ka man nanggaling.
Pagsapit ng Hayskul life, malaking pagbabago ang aking naranasan sa Praybeyt Skul ako papapasukin. hindi lang basta skul ito, mga Pari at mga Madre ang namamahala nito.
itutuloy ko sa susunod, mahaba na ito eh. Until next time.

daming rebelasyon ah. kaya ko tapatan iyan kaso huwag muna ngayon. ikaw muna bida. hehehe
ReplyDeletehmm nakakarelate ako, sa ngayun (sa private school kasi ako).. kasi public school nagtuturo ang mga inlaws ko. pag meron sila kelangan gamit sa bahay.. ipapaproject nya. tulad nalang nung painting na ibinigay ko sa kanila. nagpaproject siya sa istudyante nya na nagkukulang sa grado. kunwari. kelangan nya magsubmit ng isang tula na nakalagay sa ganitong size ng frame. hehe.
ReplyDeletepero napakasaya naman ng mga karanasan mo sa pampubliko na paaralan.
Hello po! Nakaka-inspire naman po ang kwento niyo. Saan ba po itong eskwelahan na ito? Ganito pa rin ba po ang kondisyon doon? Kasi kung makakatulong po sana kami doon, naghahanap po kasi ako ng mga eskwelahan na nasa bundok na tipong parehaong sacrifice on the part ng guro at estudyante para lang sa kaalaman.
ReplyDeleteSana po ma-email niyo ako sa grace.sucgang@gmail.com
Maraming salamat po!