Una kaming nagtagpo noon sa Greenbelt. Naglalakad lakad lang ako noon kasama ang aking Bespren na si Kamagong nang habang pababa kami ng escalator may nakasalubong akong gwapong lalaki na nakatitig sa akin. Syempre ako nakipagtitigan din naman, hindi yata ako patatalo ano, nang sumenyas sya ng tangong pakaliwa nagets ko na kagad ang ibig niyang sabihin. Dahil pababa ako ng escalator at sya naman ay pataas, pagkababang pagkababa ng escalator ay binulungan ko si Kamagong na hintayin lang ako saglit doon sa may upuan, at lumipat ako sa kabilang Escalator upang puntahan si Gwapo.
Kita ko ang itsura ni Kamagong na nagtataka, Wala siyang magagawa dahil nilibre ko siya ng sine kaya dapat hintayin niya ako, hehe. So ayun nagkadaupang palad kami ni Fritz. Sa Greenbelt kami nagsimula.
Malambing, matalino at palatawa si Fritz. Maputi, balingkinitan ang katawan, at mapungay ang kanyang mga mata. Marunong din siyang umawit at maggitara na ikinagigiliw ko naman. Nagtatrabaho siya dyan sa may Makati malapit din sa building kung saan ako naglulupasay tuwing umaga sa dami ng trabaho, haha. Kaya naman halos araw araw kaming magkita, at halos araw araw din kaming pumupunta sa condo niya. Kawawang bata itong si Fritz hindi marunong magluto kaya ipinagluluto siya minsan. Pero simple lang ang drama niya kasi Pancit Canton Masaya na siya. Pagkatapos naming lumantak kain diretso na kami sa kama niyang malambot.
Isa sa pinakakinagigiliwan ko sa kanya, nag uusap kami pagkatapos naming maglaro sa kama niya. Hahawakan niya ang pisngi ko at labi at sasabihin kung gaano niya ako kamahal at syempre mahal ko rin naman siya ng buong puso. Pero ayaw nyang may sumasabay sa kanya sa paliligo, I wonder why? Gusto ko pa namang hilurin ang katawan niya minsan haha.
Ilang buwan din ang lumipas, ganun kami palagi... nang may nagbago bigla. Naging busy sya, dumaan ang ilang lingo na hindi kami nagkikita, buwan ang tinagal na hindi ako nakakapunta sa condo niya. Hinayaan ko lang siya, basta ako andun para sa kanya. Hanggang may sinabi sa akin si Bespren Kamagong isang araw. Nakita daw niya na may kasamang babae ang fritz sa Greenbelt isang Biyernes ng umaga.
Hinintay kong sabihin ni Fritz ang totoo. Maiintindihan ko naman eh. Dahil kailangan na. Ayun nagtext sya na pumunta daw ako sa may escalator kung saan kami unang nagkita. Nilakad ko ang papunta doon habang nakayukong tinitingnan ang aking binabagtas na daan. Andun nga naman sya naghihintay. Ganun pa rin siya, gwapo pa rin, matikas at nakangiti, ngunit kita sa mata ang lumbay ng kanyang kalooban.
Ipinagkasundo pala siya ng magulang niya sa isang babae na hindi niya mahal. Sinasabi niyang kailangan niya itong gawin para sa pamilya niya. Sus yun lang pala eh, sabi ko. Aalis na rin siya sa linggong iyon papunta sa Amerika dahil doon gaganapin ang kasal. Bonggang kasal, sabi ko.
“Basta tandaan mo ikaw ang una sa puso ko.” Sambit niya.
“Ok” sabi ko. “Sige nab aka may makakilala pa sa atin ditto.
Naiiyak na ako noon kasi, op kors naman no, the end, finished, goodbye na ang moment na ito. Kumbaga ito ang ending ng isang napakagandang pelikula.
“Pero ang lokong Fritz natatawa pa habang may inaabot sa aking isang maliit na supot na kulay blue.
“Sana itago mo yan, alaala mo yan sa akin ibinabalik ko muna sa iyo.” Nakangising turan niya.
“Ano ito?” tanong ko. Pero hindi niya ako sinagot.
“Sige im sure magkikita pa rin tayo, kung tayo pa rin ang para sa isat isa.”
Ayun yumakap siya ng mahigpit at lumisan na ng tuluyan. Nacurious ako sa laman ng maliit na plastic na kulay blue at sinilip ko iyon.
Napahagalpak ako ng tawa sa nakita ko, dahilan kung bakit pinagtinginan ako ng ilang taong dumaraan.
Ang Plastik ay puno ng mga itim na kulot na buhok na siguro mga two inches ang haba. Shit mga pubic hair ko ba ito? Sambit ko sa aking sarili
At may Post It Note na kalakip
“Nakolekta ko habang tumitirik ang mata mo sa sarap” =P
Nangingiti pa rin ako hanggang sa ngayon. Isang magandang ala-ala.
salamat at nasundan din. buwan din yata ang inabot ah. hehehe
ReplyDeletepero weird naman iyang si Fritz. ang tindi ng collection. hahaha