Nagsimba kami kahapon. Siguro mga 2 months din bago nakapagsimba. Medyo minalas malas ng kaunti dahil iyung nagmisa ay iyung porenger na galing pa ng Eastern Europe ang pari. Maliban sa mabagal at mahirap magsalita ng ingles ay mabagal din siyang kumilos. Kaya ayun, inabot ng isa at kalahating oras ang misa. Ang ok lang sa kanya ay marunong na siyang magtagalog. Pero hindi tungkol dito ang aking kuwento. Ang aking tatalakayin ay tungkol sa mga bagong (bago kasi ngayon ko lang nadinig ito) bawal na pina-iiral ng simbahan.
Hindi ko na maalala lahat ng mga nabanggit na bawal. Ang mga naalala ko lang ay iyung mga bawal na gawain na karaniwan ko ng ginagawa. Halimbawa, bawal mag komunyon ang mga taong nagma-masturbate, nanonood ng pornograpiya, hindi kasal sa simbahan, nagli-live-in, nagsi-sex na hindi kasal, at kahit iyung mga kasal sa huwes ay bawal din magkomunyon. Natawa lang ako na medyo naiinis dahil sa ang mga ito ay halos karaniwan na lang na ginagawa o nangyayari sa mga katoliko. Ang malaking katanungan ay bakit mo ipagbabawal ang isang gawain na natural sa pagkatao tulad na lang ng sex o masturbation. SIguro madaling ipagbawal ang komunyon sa mga hindi kasal sa simbahan dahil ito ay isang cultural na seremonya o gawain. Pero ang pagbabawal sa isang bagay na biological ay isang pagpipigil ng isang pantaong kalikasan.
Mabuti na lang at di ako panatiko ng aking relihiyon. Siguro kung naging ganoon ako, araw araw siguro akong laman ng confessional box. Ng marinig ko ang mga bawal kahapon naisip ko na lang na hindi na lang kayo ako magsisimba. Nagsisimba lang naman ako dahil gusto ko marinig ang mga pagbabasa sa bibliya eh. Hindi ko din naman kailangan ang mga pangaral ng pari dahil kadalasan ay di naman ako sumasang-ayon. Mabuti na lang siguro ay bibili na lang ako ng bibliya at ako na lang mismo ang magbabasa at mag-aral dito. Iyun na nga lang ang aking gagawin.
FALLING STAR (2022 version)
1 year ago