Showing posts with label ka-blag blogan. Show all posts
Showing posts with label ka-blag blogan. Show all posts

Friday, January 1, 2010

Happy New Year

Ayan, nakapag greet na. Tagal naming nawala ah. Paano naman kasi lahat busy sa trabaho, sa school, sa raket at sa kung anu-ano pang puwedeng pagkakabalahan, at siempre di naman umiikot ang buhay ng jabblo sa blog di tulad ng iba dito. Nagparinig agad. Pero totoo naman yata eh. Hehehe.

Ilang buwan ba kami nawala, dalawang buwan? Pero kahit nawala kami, tiyak naman na may nakakaalala sa amin. Siguro napag-usapan din kami sa mga pagtitipon-tipon ng mga bloggers. Iyan naman yata ang ginagawa ng mg bloggers eh, pag-uusapan ang ibang bloggers, masama man iyun o hindi. Pero sabi nga, good or bad, publicity pa rin iyun.

What is in store for jabblo this year? Taon ng mga tigre. Hala! Taon yata namin ngayon, mabangis at mailap. Ang element ng tiger ngayon ay metal daw. Hmmm. Bakal. Tigasin. Kami din iyun. Hehehe. Blue ang color of the year. Eh pula ang blog namin. Pero sabi, kaya ng pula baliktarin ang anumang negativity ng taon na ito kaya stick na lang kami sa kulay namin. Blue, ibig sabihin tubig din. Suwerte kami dahil mahilig kami sa tubig. Ayaw namin ng alcohol. Pero tubig at bakal, tila yata magkaaway. Kaya magulo siguro ngayong taon. Hehehe.

Hooops. Napalayo tayo doon sa “what is in store”. Iyun nga, mas mabangis kami ngayon sa mga entries namin. Wala pa ring takot. Parang si tulfo o si mike enriquez. "Di namin kayo tatantanan." hahaha. Walang EB. Tama na kami-kami lang. Unless gusto ninyo maging jabblo. ;) Pero madami na rin iyung anim. Pang boy-band na. Kung magdagdag pa kami, isa na lang siguro para odd kasi sabi nila mas maganda ang odd.

Anu pa ba? Ayaw na naming sabihin pa ang iba. Malalaman na lang ninyo sa mga susunod na entries. Meron kayong 365 days para magbasa sa taon na ito kaya kita kits na lang tayo dito sa blog. Hehehe.

Friday, August 28, 2009

palawan

biyernes, tumunog ang aking celfone, nang aking basahin. isang pagpapaalala na kaarawan pala ng aking matalik na kaibigan, si fenn. text ko agad ang ibang barkada para ipaalala na kaarawan ni fenn at sabay sabay kami bumati ng "maligayang kaarawan, sana ay malasing mo kami!! saan gagawin ang bongang-bongang pagdiriwang ?".

mga paguusap namin ni fenn sa telepono.

emanon : maligayang kaarawan, sana ay malasing mo kami!! saan gagawin ang bongang-bongang pagdiriwang ?
fenn : salamat friend! wala sa bahay lang. kayo ba san ang gimik nyo mamaya?

emanon : wala ako gimik mamaya. oist! friend bawal ang magmukmuk sa kaarawan. kelangan natin ipagdiwang yang kaarawan mo.
fenn : hayz! parang mas gusto ko pa matulog kesa lumabas mamaya. isang palatandaan na tumatanda na ako. kung gusto mo padalhan mo nlang ako ng pwede ichurva. hahaha

emanon : ahh! subukan mo si rick. magkalapit lang naman tirahan nyo. pero dapat lasingin mo muna bago mo ichurva.
fenn : HAHAHAHA gago! hindi talo yun. barkada yun eh.

emanon : kaya nga, kelangan natin lumabas at para makahanap ka ng churva.
fenn : san naman tayo gigimik?

emanon : ikaw. kung saan kaya ng budget mo. kung saan masaya at makakahanap ka ng churva.
fenn : sige sa dati nalang. pero kaw magmaneho ng sasakyan ahh.

emanon : ok. 11:00pm sa dating tagpuan.
fenn : ok. copy. see you friend! salamat!

emanon : mga kapatid sa pananapalataya sa sinag ng buwan at bituin. tuloy ang ligaya mamayang gabi. 11pm sa dating tagpuan kina fenn.
gibb : ok. bilangin mo ako papasok (count me in sa ingles)
sam : hindi ako pwede. meron kami team building sa libis. pero habol ako
dj : ** walang sagot **
pul : ** walang sagot **
** LQ na naman siguro ang dalawa **
yel : yup. dayoff ko mamaya. sama ako.


pagsapit ng alas onse nang hatinggabi nagkitakita na kami sa dating tagpuan. halos kaming lahat ay nakagayak na damit pang-gimik. mga kasuotan na nagpapahiwatig ng kagandahan ng hubog ng katawan. mga katawan na hindi mo makikita sa pangkaraniwan.

sa palawan ang napagkasunduan na puntahan ng barkada. dahil mas mura ang mga inumin kumpara sa ibang gimikan. pero tulad ng ibang aliwan. madilim, patay sinding ilaw na iba-iba ang kulay at may maingay, pero nakakaindak, na tugtugin. ang karamihan ng parokyano ng aliwan na ito ay nasa edad 30 pababa. karamihan ay maipagmamalaki ang kagandahan ng kanilang mukha pero bibihira ang nagtataglay ng kakisigan ng katawan. meron iilan na hindi nagtataglay ng kagandahan, sa mukha o sa katawan man.

pagpasok, maraming mga mata ay nakatingin sa amin. pagkakataon na pakiramdam ko ay unti-unti ako hinuhubaran at kakainin ng buhay. meron mga kamay na humawak sa aking likuran, braso at sa tiyan. mga pamamaraan marahil ng pag-welcome sa aming pagdating.

sa VIP kami nakakuha ng upuan. sa palangawang palapag yun ng aliwan. dun umorder si fenn ng tatlong balde ng beer, apat na margarita, at mga pulutan. masaya ang pagpapalitan ng kwento ng mga barkada. dun ko nalaman na si fenn ay may nagustuhan na lalaki sa palawan, mayroon na tatlong linggo na niya itong nililigawan.. sa tingin. si fenn ay isang mayaman na negosyante na nagmamayari ng apat na rtw store. si gibb nagbabakasakali pa rin na magkabalikan ng kanyang kasintahan at malapit na rin siya umalis papuntang US para makasama ang kanyang mga magulang, si gibb pala ang nagpakilala sa akin sa pagpunta sa mga ganitong mga lugar. at si yel ay kalilipat lang malapit sa aming tinitirahan. dun ko rin napagalaman na naghiwalay na pala sila ng kanyang kasintahan. si yel ay isang masayahin na tao. walang keme sa katawan. sumasali rin pala siya sa mga patimpalak ng kagandahan. kaya masasabi ko na meron naman ipagmamalaki si yel kung kagwapuhan lang ang paguusapan.

masaya at nakakatawa ang mga ginagawang aliw ng mga bakla tagabigay aliw. meron kakanta at gagayahin ang mga tanyag na mangaawit. meron rin mga comedy act na siguradong makakasakit ng iyong tiyan sa kakatawa. meron rin silang inihandang mga moderno at mga sikat na sayaw na kahit sino ay mapapaindak. masaya ang mga ginawang aliw ng mga performer. maraming oras pa ang nagdaan at natapos na lahat ng programa ng gabing yun. hudyat lang na malapit na ang sayawan. sayawan na pinakahihintay ng mga parokyano ng gabing yun.

nagpalipas kami ng ilang minuto bago kami pumunta sa sahig sayawan (dance floor sa ingles). dahil sa impluwensiya ng alak. nawawala lahat nang inhibisyon ng tao. walang panget. walang maganda. lahat nagiging pantay. haluan mo pa ng patay sindi at nakakahipnotismong ilaw. kahit anung indak ang gawin mo basta igalaw mo lang ang iyong katawan ay maituturing mo nang sayaw. "tangalin ko ang tshirt mo" tinig na aking narinig mula sa aking likuran. itinaas ko ang aking mga kamay, bilang pangsanayon. isinuksok niya ang kanyang kamay sa loob ng aking tshirt at pananabik na hinaplos ang aking kakisigan. mula sa aking pusod pataas sa akin matikas na dibdib hanggang sa aking naglalakihang braso, tuluyang na niyang nahubaran ang aking kakisigan. tumalikod ako, upang makaharap ang nilalang sa aking likuran. isang astigin lalaki pala ang aking kasayaw. maamo ang kanyang mukha pero may maypagkapilyo ang kanyang ngiti. bilang ganti. hinaplos ko rin ang kanyang kakisigan at tuluyang hubarin ang kanya pantaas na kasuotan. walang lumabas sa aming labi puro indak lang ng aming katawan.. ganun ang ginawa namin paguusap. sa sahig sayawan doon kami nagpakiramdaman. may mga pagkakataon na magkalapat ang aming mga katawan. nagpapalitan ng init. napapalitan ng pawis. pero iwas ako sa pagkakataon na hahalik siya sa aking labi. nabali lang ang aming pagsasayaw ng meron yumakap sa aking katawan. si yel pala. nagpaalam ako ke 'scorpion king' kasi meron siyang tatoo na alakdan sa kanyang likuran. nagyakapan kami bilang pasasalamat.

bumalik ako sa aking mga barkada. masayang umindak si fenn at gibb sa tugtugin habang si yel at nakayap pa rin sa akin. may ibinulong "type ko kasayaw mo", "pakilala kita, gusto mo?" ang tugon ko. umindak kami papunta sa sinasayawan ni 'scorpion king' at nang makita ako, ngumiti na punong-puno ng kapilyuhan. hinawakan ko siya sa kamay at iniharap sa akin. habang si yel ay pumunta sa likuran ni 'scorpion king' at dun umindak. niyakap ni yel si 'scorpion king' nang buong pagnanasa at siya naman ay nakahawak sa balikat. naaaninag ko ang pagpasok ng kamay ni yel sa loob ng pantalon ni 'scorpion king'. pikit at pagsandal sa katawan ni yel ang ganti ni 'scorpion king' bilang pangsangayon. ginamit naman ni 'scorpion king' ang aking katawan para hindi maaninag ng ibang mananayaw. para kaming chili hotdog sandwich ng pagkakataon na yun. sobrang init. sobrang cheesy. iniwan ko muna si yel at 'scorpion king' para magkasarilinan.

bumalik ako kina gibb at fenn, sa pagkakataon iyun ay meron kasayaw si fenn. si 'golayat' kasi sobra ang tangkad ng lalaki yun. para kaming si frodo, sam, at peregrin nang mga sandaling yun. nakikita ko ang kasayahan ni fenn sa kanyang pag-indak. maharot at mapanghalina. matatalo ako kay fenn kung malaswang pagsayaw ang paguusapan. ibinaling ko kina yel at 'scorpion king' ang aking tingin, aninag ko na naglalapat ang kanila labi at ninanamnam ang bawat sandali.

teka, nasaan nagpunta si gibb? palagay ko meron na siyang nahalina. maamo at masasabi ko na magandang lalaki si gibb. maputi at mapupula ang kanyang labi. medyo may katagalan rin nawala si gibb.

nakisayaw ako sa ibat ibang nilalang ng gabing iyon. karamihan mas bata sa akin. may makisig. may patpatin, pero malakas ang loob na hubarin ang pangtaas na kasuotan. may grupo na pinaikutan ako, pero umiwas ako dahil ayaw ko sa ganun attention. lahat magaganda sa aking paningin. hindi ko alam kung dulot ito ng alak o ng ilusyon ng ilaw. masaya. nakakahalina. kakaiba. hindi ko napansin ang paglipas ng oras. hanggang unti-unti nang nawawala ang mga mananayaw.

bumalik ako sa aming VIP table dun ko nadatnan si gibb. may kausap, si 'huge'. kasi ayun ke gibb ay may kalakihan raw si 'huge'. hindi ko na tinanong kung anung ang malaki na tinutukoy ni gibb. pero kung pagmamasdan mo si 'huge' ay may kalakihan nga ang katawan. halata na mahilig rin magbuhat ng bakal. ininom pa namin ang mga natitirang bote ng beer bago kami nagpasyang lumabas na sa palawan.

pasikat na ang haring araw ng lumabas kami ng palawan. marami ang nagaantayan at naguusap sa labas ng palawan. lahat mapupungay ang mata. lahat pawisan. at lahat napapakiramdaman.

nagpalamig muna kami labas ng palawan. marami pa rin ang nakikipagtitigan. nakikipagngitian. nakikipagkindatan. nagaantay na maanyayahan.

"ayun, yun siya" tinig mula kay fenn. tinutukoy pala nya ang lalaki na kanyang natitipuhan. na tatlong lingo nya nang nililigawan ng tingin. tinanong namin kung sigurado ba siya sa kanyang nararamdaman (puso o libog ala na kaming pakialam TNMz!) pinuntahan ni gibb ang grupo ng lalaki. ginamitan nya ng kanyang halina at ilang sandali lang ay bitbit na ni gibb ang lalaki. 'eric' ang kanyang pagpapakilala. pareho naman pala sila nagkakakitaan sa palawan. pareho silang nakakatitigan. pero sadyang mahiyian ang dalawa kaya walang nangyari sa loob ng tatlong lingo.

sa chowking, kami kumain ng pangumagahan, kasama si eric. ang nakakatuwa, lahat ng parokyano ng palawan, nandoon rin sa chowking. nagpapalipas ng oras. nagkukwentuhan. at meron rin mga naghahalikan. NAGHAHALIKAN! opo tama ang inyong nabasa. TNM! si fenn at si eric ay nagpapalitan ng kwento. nagsusubuan. naglalambingan. para silang mga magkasintahan.

napagkasunduan na ihatid muna fenn sa kanyang tirahan kasama si eric, tapos si gibb, tapos si yel. at ako, bahala na sa buhay ko. ako kasi ang may dala ng sasakyan. habang tinatahak namin ang kahabaan ng EDSA. nakikita ko sa salamin panglikod (rear mirror sa english) ang ginagawang romansahan ni fenn at eric. malalim at mainit ang kanila halikan. nagkakapaan ng kanilang ka-buo-han. nagiinit ang kanilang damdamin. si yel sumisigaw ng 'wag kayo sa tabi ko, baka matalamsikan ako!'. tawanan kaming lahat sa sasakyan. naging ganun ang mga pangyayari hanggang sa marating namin ang tirahan ni fenn. dali-dali silang bumaba ng sasakyan at hindi magkandaugaga sa pagpasok sa gate ng kanyang tinitirahan, upang ipagpatuloy ang kanilang naudlot na pagiibigan.

naihatid ko na ang dalawa. huminga ng malalim at pumikit. panahon na para ako ay bumalik. bumalik sa aking mahal na astig. ang astig ng buhay ko na nag-aantay sa aking pagbabalik. ako ay babalik ng buo. walang bahid nang kung anu..

Wednesday, August 26, 2009

Three-Second Look

marami na akong nababasa sa mga blogs ukol sa "three seconds look". iyun ba ang tipong may titingin sa iyo sa isang publikong lugar ng mga tatlong segundos pagkatapos sasabihin mong trip ka o may gusto sa iyo iyung tumingin. sa isang salita, bakla iyung tumingin sa iyo pag kapwa mo siyang lalake. pusang gala, di totoo lagi iyun.

kahapon, habang nakasakay kami sa bus papuntang dorm, isa sa aming kasamahang lalake ay biglang napasambit "wow, papable", sabay turo sa isang sasakyan na kasabayan ng aming bus. nang nilingon ko iyung nasabing sasakyan ay nakita ko ang isang pulang kotse na merong nagmamaneho na foreigner. doon ko na-gets iyung sinabi niya. "papable" as in puwedeng maging papa. nagtaka ako sa kanyang ipinakita. alam ko na meron siyang asawa (bagong kasal pa nga) sa pinas. naisip ko tuloy na bakla siya. at dagdag pa doon, napansin ko na nakatitig siya doon sa foreigner hanggang sa lumagpas ang bus na sinasakyan namin.

mahigit sa tatlong seconds iyun ha. kung susundin natin ang rules doon sa "three seconds look", aba di lang siya PLU kundi baklang malandi pa talaga. pero basta basta na lang ba natin husgahan ang ginawa niyang iyun? anu kaya ang nasa isip niya ng sinabi niya iyun at habang tinititigan niya iyung mamang foreigner?

batay sa mga nabasa ko sa mga blogs, mako confirm natin kung PLU nga ang gumagawa ng "three second look" pag tumingin siya ulit. pero di nangyari iyun dahil lumagpas na nga iyung sasakyan namin kaya di ko puwedeng husgahan ang aking kasamahang lalake. at kahit siguro mangyari iyun, napaka-unfair para sabihin na bakla iyung kasamahan namin.

siguro mas mainam na huwag na lang tayo maging assuming. mahirap kasi sa iba diyan eh gusto lahat ng lalaki bakla para lang sabihin maraming bakla sa mundo. bakit di na lang natin isipin na lahat ay lalake at walang bakla. kapag nasa kalye ba tayo ma-dedistinguish mo ang bakla sa hindi bakla? mahirap yata iyun. bakla lang ang lalake pag makita mo siyang nakikipag-sex sa kanyang kapwa lalake. oppppsss... so ang lalakeng bayaran pag nag siserbis sa isang lalake ay bakla na din? sige sabihin mo iyan sa kanila kung hindi ka mabubugbog.

so, next time na meron kang masasalubong o makikitang nag 3-second look sa iyo, huwag ka magyabang o magmaganda. huwag kang assuming na type ka ng tumingin sa iyo. bakit di mo siya yayain at mag-date kayo. yayain mong mag-sex kung ganyan ka katapang. siguro diyan, bibilib na ako sa iyo. at sa mga baklang nag0iisip ng ganyan, ikaw lang ang bakla uy. huwag ka ng mandamay. hehehe

Friday, August 21, 2009

talangka

masarap ang talangka. maniniwala ka ba na isang daan at isa meron ang paraan sa pagluluto ng talangka. meron pinaanghang na talangka (spicy crabs) na patok sa mga kainan ng mga chino. ginataang talangka na patok sa mga bicolano. sinigang na talangka para sa mga mahilig sa sabaw. kinilaw na talangka para sa gusto ng kakaiba. pinaputok na talangka. krispy talangka at marami pang iba. pero pinakasimple ang sinaing na talangka. mabilis at sigurado na masarap.

narinig nyo na ba ang kataga na "you are what you eat?".. kung mahilig ba ako sa karne ng baboy. baboy rin ba ang asal ko? kung kumain ako ng karne ng manok. magiging isang kahig isang tuka ang buhay ko? kung mahilig ba ako sa karne baka? baka puro baka nalang mamuntawi sa bibig ko. baka yumaman ako, baka gumanda ang buhay ko, baka mabiyayaan ako, baka, baka, at baka.

siguro mahilig kumain ng talangka ang mga pulitiko? kasi puro asal talangka ang pinapakita nila sa ating mga kababayan. bakit kelangan siraan ang isa para lamang umangat ka? bakit kelangan mo pa gumamit ng isang kilalang pangalan para bumango ang pangalan mo? bakit kelangan mo magingay at bumangka sa mga usapin na makakasira sa iyong kapwa? bakit kelangan pakialaman ang hindi naman dapat pakialaman? bakit kelangan mo isisi ang ginawa NYO korapsyon sa iisang tao? maliit o malaki pagkokorapsyon. pagkokorapsyon pa rin yun.

sa mundo ng pulitika wala talagang tama sa mga ginawa ng kapwa nila pulitoko. sa bawat kimot na gagawin ng isa, sisiraan agad at sasabin dapat ganito dapat ganun. kelangan magpabida, kelangan magpagwapo, kelangan magingay para masabi na meron sila malasakit sa mga kababayan natin. minsan natatawa nalang ako sa komentaryo ng mga pulitiko. nagsalita pero nakakabobo naman ang komento. kung wala ka rin lang sasabihin na maganda sa kapwa mo, mas mabuti ata na tumahimik ka na lamang.

tuwing umaga na sumasabay ako sa serbis ng aming kompanya, meron isang pulitiko na lagi ang komentaryo sa radio tungkol sa pangulo at sa kanyang gobyerno. minsan narinig ko na, sa halip na kung saan saan ginagatos ng gobyerno ang kaban ng bayan. bakit hindi raw tulungan umahon ang mindanao. bakit hindi raw gamitin ang ekta-ektaryang lupain ng mindanao. taniman raw ng mga puno. nakalimutan ko na ung puno na nasambit ng pulitiko. dapat raw na pagtuunan ng pansin at panahon ang ating agrikultura. sangayon ako sa sinambit ng pulitiko. pero napagisip-isip ko, bakit kelangan pa magingay ng pulitiko na ito? kung gusto nya talaga na tumulong, tumulong siya na bukal sa kanyang puso. gawin nya ang sinambit nya at wag puro salita. tulungan niya makaahon sa hirap ang mga magsasaka. huwag na niya antayin na gawin siyang presedente bago niya gawin ang namuntawi sa kanyang mga labi. tama na. nakakabingi ka na. umaksyon ka nalang at wag puro salita.

sa radio ulit. isa rin pulitiko ang nagtanong sa gobyerno, saan raw napupunta ang mga ibinabayad sa philhealth ng mga empleyado ng gobyerno. ayon sa pulitiko na ito mula 2001 pa raw hindi nagbabayad ang gobyerno. ANU?? 2001 buti at buhay pa ang philhealth? paano nakakapagreimburse ang mga nagkasakit na kawani ng gobyerno? may katotohanan ba ang sinasabi ng pulitiko na ito? tinawagan ko ang kaibigan ko na nagtatrabaho sa isang ahensya ng gobyerno. ayun sa kaibigan ko, ito ay pawang walang katotohanan dahil nakakabayad naman raw ang kanilang ahensya sa philhealth. hindi raw maiiwasan pero minsan may pagpapaliban ang pagbabayag ng kanilang ahensya sa philhealth, pero matagal na raw ang dalawang buwan. sa pulitiko na ito. huwag ka gagawa ng ganung komento sa radio at nakakairita ito na pakinggan. kung meron ka nalalaman na ahensya ng gobyerno na hindi nakakapagbayad sa philhealth, tumbukin mo ang pangalan ng ahensya at panindigan mo ng buong tapang. hay kaawawa ang pulitiko na ito. kelangan pa niya magsinungaling para lang makapagsalita sa radio. tumahik ka na rin lang kaya. at utang na loob huwag ka rin tatakbo ng pagkapresedente. kasi magkapatid raw ang sinungaling at magnanakaw. maawa na naman sa mga kababayan natin.

bakit nga kelangan ng pangulo na pumunta sa ibang bansa? ang pagkakaalam ko ay para maghimok ng mga dayuhan para magpuhunan sa ating bansa at makalikha ng trabaho para sa mga pilipino at maiahon ang ating ekonomiya. nakatulong ba? para sa akin OO at OPO. namuhunan ang mga dayuhan dito sa ating bansa at nakalikha ng maraming trabaho. isang halimbawa. ung tinatawag na cyber corridor. ito ay mula luzon hanggang mindanao. ito ang mga trabaho para sa mga kababayan natin meron talento, mga kababayan na kayang ibenta ang kanilang nalalaman (knowledge base). hindi pinaguusapan ang kung anu ang natapos mo sa kolehiyo o kung nakatapos ka man ng highschool. hindi pinaguusapan kung may kapansanan. walang edad. kahit sino basta may nalalaman at may kakayahan malaman ang teknikalidad ng serbisyo sa sayber. sa pagaaral ng CICT sa pilipinas. tayo ay nakasama sa top 5 na bansa na nagbibigay ng serbisyo sa malawak na mundo ng sapot (world wide web) at pangalawa sa pinakamagaling sa larangan na ito.

eh bakit marami pa rin sa pilipino ang walang makain? namputsa naman. pati ba naman ito iasa pa sa presidente. tanong ko lang, kung ikaw ba eh walang tenga, maghihikaw ka ba? hindi di ba. kung ikaw eh walang mga daliri magsusuot ka ba ng singsing? hindi rin di ba. kung hindi rin ang sagot mo sa tanung na nagtratrabaho ka ba?. magisip-isip ka nga. yun eh kung me isip ka? ang lola nga ng matalik ko na kaibigan nabuhay ng 93 years old sa kabukiran. hindi umasa ang lola sa pera o luho na pwede ibigay sa kanya ng kanyang mga apo. nagsumikap na magbungkal ang lola sa maliit nya na hardin. sabi nga ng lola. malawak at mataba ang lupa. kung magiging masipag at matiyaga ang bawat isa na magtanim walang magugutom na pilipino. kung gagawin mo lang ng literal ang sinabi ng lola. pwede rin. sigurado hindi hindi ka magugutom at sigurado ung mga sobra sa pananim mo eh ibebenta mo sa kapitbahay para meron ka pambili ng mga kung anung luho meron ka. pero kung gusto mo pa ng malalim na kahulugan sa sinambit ng lola. kung me tiyaga me nilaga. kung me isinuksok me mahuhugot. kung me tinanim me aanihin. at kung anu anu pang kasabihan na meron ka.

eh bakit umabot ng ganun kalaki ang gastos ng pangulo sa pang-iibang bansa nya? simple lang ang sagot dyan. kasi maliit ang halaga ng piso sa bansang pinuntahan ng presidente. santisima de kebarbaridad! nakakahiya ang mga pagaaway na ginagawa ng mga pulitiko at pagpapasilab ng mga media sa usapin na ito. hindi ba nila alam na pinagtatawanan tayo ng ibang mga bansa sa mga inaasta nyo. napakaliit ng halaga na ginastos ng presidente sa ibang bansa. wag mo na icompute sa piso yan. at baka ikabaliw mo pa yan. sabi ko nga maliit kasi ang halaga ng piso. hindi naman kasi pwede na mag-isa lang na pumunta ang pangulo sa ibang bansa. lagi at dapat na meron siya dala singkatutak na entourage. at bawat kasama sa entourage may mga bitbit rin yan na maliit na entourage. at dapat kasama rin dyan ang mga PSG. at bago pa man pumunta ang presidente sa bansang yun. meron na mauuna para maisaayos ang tutuluyan at pagkakainan ng presidente at ng kanyang entourage. at maghire rin yan ng mga security dun sa bansang pupuntahan. at kung anu-anu pa. kaya sabi nga sa ingles "do your math"

eh bakit sa mamahaling restaurant kumain ang pangulo? tinamaan ka naman ng magaling! eh isang leader ng bansa ang papakainin mo, nararapat lamang sa isang magarbo at bongang-bonga restaurant mo siya pakainin. anung gusto mo? makita ang presidente na kumakain sa mc donalds o kaya kung saan saan lang. di ba meron na umamin kung sino ang gumastos talaga ng kinainan ng presidente at ng kanyang entourage. at nagpaliwanag na rin siya kung bakit siya ang gumastos. kaya pwede ba tigilan nyo na ang usapin na ito at mag-dalawang lingo na itong laman ng balita. nakakasawa na. nakakabingi na. tama na ang pagputok ng tumbong mo. palibhasa kaya ka nagkakaganyan kasi hindi ka kasama sa entourage ng pangulo. belat!

tulad ng sinabi ko ang pagiibang bansa ng pangulo ay para mag-alok ng posibilidad na investor para sa pilipinas. mas malaki ang maibabalik na halaga sa pilipinas kung sakali na maginvest ang mga dayuhan. tila barya lang ginastos sa pagiibang bansa ng pangulo. sabi nga long-term investment para sa pilipinas. dito mo mapagtatanto ang pagiging economista ng pangulo.

naging mahusay na pangulo ba si GMA? ang sagot ko ay OO. kung titingnan mo. medyo mali ang pagkakataon na naging pangulo si GMA. kasi sa pagupo sa posisyon ni GMA hanggang ngayun ay nasadlak sa panget na economiya ang buo mundo. pati ang malakas at makapangyarihan na bansa ay nakaranas ng paghihirap sa kanilang economiya. kaya tigilan mo na ang pagiisip na naghihirap ang pilipinas dahil ke GMA. naghihirap ang economiya ng pilipinas dahil naghihirap ang buong mundo. kaya magisip ka ng paraan para makatulong sa pilipinas hindi kung anu anong paninira ang ginagawa mo sa kapwa mo. sabi nga ng mga capitalista. walang makakagawa sa mga nagawa ni GMA sa pilipinas... parang ganun hehehe

kaya sa mga nangangarap na pumalit sa pwesto sa pagka-pangulo. "may the force be with you" at malampasan mo pa sana ang mga nagawa ni GMA. wag naman sana sa pagpapayaman. tnm!

anung koneksyon ng talangka at pulitiko? malaki. sa inaasta. sa ikinikilos. sa mentalidad. kaw nalang mag-isip, alam ko marami ka pa masasabi. talangka talangka sa langit ang tamaan, guilty! tnm!

sa haba ng naisulat ko. hindi ko na alam kung paano ito tatapusin. kaya bigla nalang ito mawawala. :D peace.

Saturday, August 15, 2009

the hanged man

nakakatuwang isipin kung ang buhay ng isang tao ay ididikta ng kahit anung medium tulad ng bolang kristal, o ng ordinaryong baraha, o kaya ung tubig mula sa birhen batis ng virac catanduanes na isinalin sa pilak na mangkok papatakan ng dugo ng sinuman gusto sumilip ng kanyang tadhana, at ito ay ipapakita ng mahiwangang tubig, at marami pang iba. pero eto ako sumubok ng isang tarot na baraha mula sa sayber. at ito ang resulta pagkatapos sagutin ang ilang mga katanungan.


the hanged man


Self-sacrifice, Sacrifice, Devotion, Bound.


With the Hanged man there is often a sense of fatalism, waiting for something to happen. Or a fear of
loss from a situation, rather than gain.


The Hanged Man is perhaps the most fascinating card in the deck. It reflects the story of Odin who offered himself as a sacrifice in order to gain knowledge. Hanging from the world tree, wounded by a spear, given no bread or mead, he hung for nine days. On the last day, he saw on the ground runes that had fallen from the tree, understood their meaning, and, coming down, scooped them up for his own. All knowledge is to be found in these runes.


The Hanged Man, in similar fashion, is a card about suspension, not life or death. It signifies selflessness, sacrifice and prophecy. You make yourself vulnerable and in doing so, gain illumination. You see the world differently, with almost mystical insights.


What Tarot Card are You?
Take the Test to Find Out.



tama ba ang naging hula? hmmm... OO... sakto parang sinukat. matiyaga ako na tao. sobra laki ng pasenya. at meron rin mga sakripisyo na ginawa sa buhay. competetive ako na tao at ayaw ko ang maging kulelat, kahit hindi manalo basta hindi kulelat. sa pagtitiyaga kahit mahirap o kaya matagal pero kung alam mo naman sa bandang huli ay may kahihinatnan... bakit hindi?

pero paano ba ang tagalog ng "the hanged man"?

-- ang nabitin na lalaki.. hehehe

pipoy tipid

dumating na ang pinakakinakatakutan na araw sa buhay ng pamilya ni pipoy. ito ay ang paglisan ng kanyang pinakamamahal na lola. isang araw nakatangap si pipoy ng tawag mula sa kanyang ina upang ipagbigay alam ang pagpanaw ng kanyang lola. ngunit dahil nasa trayning siya ng mga panahong yaon, hindi siya agad nakapunta. nagpaliban pa siya ng ilang araw para mapuntahan ang burol ng kanyang lola.

pagkalipas ng ilang araw ay nakadalaw na si pipoy sa burol ng kanyang lola. doon nadatnan ang napakaraming tao. may ilan-ilang pamilyar ang mukha ngunit karamihan ay hindi niya kilala. isang senyales na hindi talaga siya malapit sa ibang kamag-anak. dahil na rin siguro sa hindi siya naging prioridad ng kanyang magulang na isama sa mga okasyong pang-angkan.

lumipas pa ang ilang araw. dumagsa pa rin ang ibat ibang tao sa burol ng kanyang lola. meron mga pagkakataon na ipakilala si pipoy sa unang pagkakataon sa mga kamag-anak na doon niya rin lang unang nakita.

habang nakikiramay ang buong bansa sa libing ng yumaong presidente corazon aquino. nagaganap rin ang prosisyon sa lola ni pipoy. sa chinese north cemetery ang huling hantungan ng lola ni pipoy. cremation procedure pala ang pinili ng pamilya ni pipoy para sa labi ng kanyang lola. para mas madaling maiuwi ang labi sa matandang bahay sa probinsya nila pipoy.

habang nagaganap ang cremation nakapagisip-isip si pipoy kung sakaling dumating ang ganitong kabanata sa yugto ng kanyang buhay. ikinuwenta ni pipoy ang total na nagastos ng pamilya para sa kanyang lola. lumalabas na medyo may kalakihan pala ito.

nakapagisip si pipoy na pag dumating ang araw na ito ay ideretso nalang sa cremation ang kanyang labi, kasi mas makakatipid ang kanyang mga mahal sa buhay. 80 porsyento ang matitipid. kasi wala ng magaganap na pagiimbalsamo. wala ng kabaong. wala na rin renta sa puneraria. wala na rin lamay. wala ng pakain sa mga angkan na hindi naman siya kilala..

nakakatawa kung iisipin pero sa panahon ngayun..
palagay ko papayag na rin kayo.
HA-HA-HA-HAYZ BUHAY NGA NAMAN!.

Friday, August 14, 2009

Argus The Brave

Tawagin nyo na lang akong Argus, hindi ko totoong pangalan. Dalawampu’t siyam na taong gulang. Manileno. Marami nakong karanasan sa buhay. Marami rin akong sikretong tinatago. Tahimik lang akong tao kaya madalas sabihin ng mga kaibigan ko na masyado daw akong misteryoso. Misteryoso ngang matuturingan di lang nila alam nasa loob ang kulo ko. Wala akong hilig sa maiiingay na lugar, di ko rin trip ang mga bars o inuman. Yosi at kape, dyan magkakasundo tayo.

Mundo ko na ang internet, mas maraming oras ang nagugugol ko dito kesa sa makisalamuha sa tao. Iba’t ibang mukha na rin nakadaupang palad ko, meron matino pero mas madaming gago. Yung iba naging kaibigan ko na, samantalang yung iba di na dapat pinag aaksayahan ng panahon. Masasabing beterano nako sa mundong ginagalawan ko, marami nakong natutunan para maging matatag sa kalakaran ng internet.

Mahilig akong magbasa ng blog, noon yun! Pero ngayon madalang na, bibihira na lang kasi ang may laman. Karamihan puro kayabangan nalang ang isinusulat o di kaya e pataasan ng ihi. Karapatan nila yun dahil blog nga nila yun. Kung dun sila masaya hayaan mo sila.

Tamad din akong magsulat, gaya ni emanon mas gusto ko pang kinukwento ng harapan.

Marami rin akong kwento, dito susubukan kong ilabas ang mga natatago kong sikreto.

pagpapakilala

ako si emanon. bago sa kapatiran ng mahilig magsulat sa kalawakan ng sayber. simpleng tao pero may dating. karinyoso at madaling mahalin. malambing. maalaga. at higit sa lahat may puso.

marami ako hilig. mahilig ako magdownload ng pelikula, laro at musika. kaya magtanong ka baka meron ako. kung wala man eh ihahanap kita. yun eh kung meron ako makikita sa sayber. mahilig ako sa aso. meron ako lima labrador retrievers at sampu na mongrel. marami. magulo. masaya. at nakakaalis ng anu man klase ng problema pag kami ang magkakasama. mahilig ako sa chokolate. mas maitim mas masarap. mahilig rin ako magluto. ito na ata ang maituturing ko na pang alis ng stress sa araw araw. pwede rin kita ipagluto. kahit ano kaya ko. buksan mo ang refrigerator mo, ang laman ang basehan ng aking iluluto. mahilig rin ako kumain. at para mapanatili ang kakisigan ng aking katawan mahilig rin ako magbuhat ng bakal, tumakbo sa kalye at maglaro ng bola.

hindi ako mahilig sumunod sa agos ng uso. kumplikado kung magisip kaya medyo reserb sa obserbasyon ng mga tao. marami tao ang ilag sa akin dahil mukha raw ako manguumbag. dahil na rin siguro sa aking kakisigan at astigin na pagkilos. pero wag ka, astigin rin ang hanap ko. oo nga pala nahanap ko na ang astig sa buhay ko.

may katigasan ang ulo. sa taas at sa baba. pero nakokontrol ko naman ang katigasan ng ulo ko sa baba. minsan kinaiingitan at kinaiinisan pero kadalasan kinahuhumalingan at pinagpapantasyahan. emanon, ay ako.

Ako si Masai

pangalan ay masai. tunog hapon. kasarinlan aprikano. puwede ring arabo. nasa bansang hapon. bayan ay pilipinas. isip amerikano. ayaw maging amerikano. mukhang pilipino. dugong pilipino. ayaw mag-asal pilipino.

ako si masai. dalubhasa sa kanyang napiling karunungan. tagapangalaga ng kanyang kapaligiran. prayoridad ang kalusugan. seryoso sa pangkalakasan. malakas kumain datapuwat may kapayatan. mahusay sa pagguhit at pag-dibuho subalit nagpupumilit sa pag-kanta at pag-awit.

ako si masai. matalino. ayaw sa nagdudunong-dunungan. matino. ayaw sa nagmamatino. mayabang. ayaw sa nagmamayabang. pakialamero. ayaw pinapakialaman. suplado. ayaw mag-sisinuplado. kelan man di maginoo. kelan man di bastos.

ako si masai. ayaw sa bata. gusto ay bata. may pamilya. wala sa pamilya. ayaw magkapamilya. may anak. walang asawa. may mga kaibigan. kaunti ang mga kaibigan. namimili ng kaibigan. walang alam na kaaway. ayaw ng kaaway, gustong kaawayin.

ako si masai. tingin ay kinatatakutan. salita ay pinanginginigan. kilos ay pinangangambahan. katawan ay pinangingilabutan. isip ay pinag-aabanganan. pagkatao ay pinag-uusapan.

ako si masai. isang komedyante pero hindi nagsisinungaling. isang tao na piniling maging jabblo. bwahahaha.

Tuesday, August 11, 2009

baket hindi ka magblog?

tinuring ng isang malapit na kaibigan. "mahirap magsulat", ang aking sagot.

mas madali para sa akin ang magsambit ng kwento kesa sa magsulat ng kwento. mas mabilis gumana ang aking utak kesa sa pilantik ng aking mga daliri sa keyboard. siguro meron na sampung beses na sinambit ito ng akin kaibigan lalo na sa mga pagkakataon na ako bumabangka sa aming kwentuhan, totoo man o likha isip lamang.

ako si emanon dating tagasambit ng kwento, ngayun manunulat na nang aking kwento.
Powered By Blogger