Friday, August 28, 2009

palawan

biyernes, tumunog ang aking celfone, nang aking basahin. isang pagpapaalala na kaarawan pala ng aking matalik na kaibigan, si fenn. text ko agad ang ibang barkada para ipaalala na kaarawan ni fenn at sabay sabay kami bumati ng "maligayang kaarawan, sana ay malasing mo kami!! saan gagawin ang bongang-bongang pagdiriwang ?".

mga paguusap namin ni fenn sa telepono.

emanon : maligayang kaarawan, sana ay malasing mo kami!! saan gagawin ang bongang-bongang pagdiriwang ?
fenn : salamat friend! wala sa bahay lang. kayo ba san ang gimik nyo mamaya?

emanon : wala ako gimik mamaya. oist! friend bawal ang magmukmuk sa kaarawan. kelangan natin ipagdiwang yang kaarawan mo.
fenn : hayz! parang mas gusto ko pa matulog kesa lumabas mamaya. isang palatandaan na tumatanda na ako. kung gusto mo padalhan mo nlang ako ng pwede ichurva. hahaha

emanon : ahh! subukan mo si rick. magkalapit lang naman tirahan nyo. pero dapat lasingin mo muna bago mo ichurva.
fenn : HAHAHAHA gago! hindi talo yun. barkada yun eh.

emanon : kaya nga, kelangan natin lumabas at para makahanap ka ng churva.
fenn : san naman tayo gigimik?

emanon : ikaw. kung saan kaya ng budget mo. kung saan masaya at makakahanap ka ng churva.
fenn : sige sa dati nalang. pero kaw magmaneho ng sasakyan ahh.

emanon : ok. 11:00pm sa dating tagpuan.
fenn : ok. copy. see you friend! salamat!

emanon : mga kapatid sa pananapalataya sa sinag ng buwan at bituin. tuloy ang ligaya mamayang gabi. 11pm sa dating tagpuan kina fenn.
gibb : ok. bilangin mo ako papasok (count me in sa ingles)
sam : hindi ako pwede. meron kami team building sa libis. pero habol ako
dj : ** walang sagot **
pul : ** walang sagot **
** LQ na naman siguro ang dalawa **
yel : yup. dayoff ko mamaya. sama ako.


pagsapit ng alas onse nang hatinggabi nagkitakita na kami sa dating tagpuan. halos kaming lahat ay nakagayak na damit pang-gimik. mga kasuotan na nagpapahiwatig ng kagandahan ng hubog ng katawan. mga katawan na hindi mo makikita sa pangkaraniwan.

sa palawan ang napagkasunduan na puntahan ng barkada. dahil mas mura ang mga inumin kumpara sa ibang gimikan. pero tulad ng ibang aliwan. madilim, patay sinding ilaw na iba-iba ang kulay at may maingay, pero nakakaindak, na tugtugin. ang karamihan ng parokyano ng aliwan na ito ay nasa edad 30 pababa. karamihan ay maipagmamalaki ang kagandahan ng kanilang mukha pero bibihira ang nagtataglay ng kakisigan ng katawan. meron iilan na hindi nagtataglay ng kagandahan, sa mukha o sa katawan man.

pagpasok, maraming mga mata ay nakatingin sa amin. pagkakataon na pakiramdam ko ay unti-unti ako hinuhubaran at kakainin ng buhay. meron mga kamay na humawak sa aking likuran, braso at sa tiyan. mga pamamaraan marahil ng pag-welcome sa aming pagdating.

sa VIP kami nakakuha ng upuan. sa palangawang palapag yun ng aliwan. dun umorder si fenn ng tatlong balde ng beer, apat na margarita, at mga pulutan. masaya ang pagpapalitan ng kwento ng mga barkada. dun ko nalaman na si fenn ay may nagustuhan na lalaki sa palawan, mayroon na tatlong linggo na niya itong nililigawan.. sa tingin. si fenn ay isang mayaman na negosyante na nagmamayari ng apat na rtw store. si gibb nagbabakasakali pa rin na magkabalikan ng kanyang kasintahan at malapit na rin siya umalis papuntang US para makasama ang kanyang mga magulang, si gibb pala ang nagpakilala sa akin sa pagpunta sa mga ganitong mga lugar. at si yel ay kalilipat lang malapit sa aming tinitirahan. dun ko rin napagalaman na naghiwalay na pala sila ng kanyang kasintahan. si yel ay isang masayahin na tao. walang keme sa katawan. sumasali rin pala siya sa mga patimpalak ng kagandahan. kaya masasabi ko na meron naman ipagmamalaki si yel kung kagwapuhan lang ang paguusapan.

masaya at nakakatawa ang mga ginagawang aliw ng mga bakla tagabigay aliw. meron kakanta at gagayahin ang mga tanyag na mangaawit. meron rin mga comedy act na siguradong makakasakit ng iyong tiyan sa kakatawa. meron rin silang inihandang mga moderno at mga sikat na sayaw na kahit sino ay mapapaindak. masaya ang mga ginawang aliw ng mga performer. maraming oras pa ang nagdaan at natapos na lahat ng programa ng gabing yun. hudyat lang na malapit na ang sayawan. sayawan na pinakahihintay ng mga parokyano ng gabing yun.

nagpalipas kami ng ilang minuto bago kami pumunta sa sahig sayawan (dance floor sa ingles). dahil sa impluwensiya ng alak. nawawala lahat nang inhibisyon ng tao. walang panget. walang maganda. lahat nagiging pantay. haluan mo pa ng patay sindi at nakakahipnotismong ilaw. kahit anung indak ang gawin mo basta igalaw mo lang ang iyong katawan ay maituturing mo nang sayaw. "tangalin ko ang tshirt mo" tinig na aking narinig mula sa aking likuran. itinaas ko ang aking mga kamay, bilang pangsanayon. isinuksok niya ang kanyang kamay sa loob ng aking tshirt at pananabik na hinaplos ang aking kakisigan. mula sa aking pusod pataas sa akin matikas na dibdib hanggang sa aking naglalakihang braso, tuluyang na niyang nahubaran ang aking kakisigan. tumalikod ako, upang makaharap ang nilalang sa aking likuran. isang astigin lalaki pala ang aking kasayaw. maamo ang kanyang mukha pero may maypagkapilyo ang kanyang ngiti. bilang ganti. hinaplos ko rin ang kanyang kakisigan at tuluyang hubarin ang kanya pantaas na kasuotan. walang lumabas sa aming labi puro indak lang ng aming katawan.. ganun ang ginawa namin paguusap. sa sahig sayawan doon kami nagpakiramdaman. may mga pagkakataon na magkalapat ang aming mga katawan. nagpapalitan ng init. napapalitan ng pawis. pero iwas ako sa pagkakataon na hahalik siya sa aking labi. nabali lang ang aming pagsasayaw ng meron yumakap sa aking katawan. si yel pala. nagpaalam ako ke 'scorpion king' kasi meron siyang tatoo na alakdan sa kanyang likuran. nagyakapan kami bilang pasasalamat.

bumalik ako sa aking mga barkada. masayang umindak si fenn at gibb sa tugtugin habang si yel at nakayap pa rin sa akin. may ibinulong "type ko kasayaw mo", "pakilala kita, gusto mo?" ang tugon ko. umindak kami papunta sa sinasayawan ni 'scorpion king' at nang makita ako, ngumiti na punong-puno ng kapilyuhan. hinawakan ko siya sa kamay at iniharap sa akin. habang si yel ay pumunta sa likuran ni 'scorpion king' at dun umindak. niyakap ni yel si 'scorpion king' nang buong pagnanasa at siya naman ay nakahawak sa balikat. naaaninag ko ang pagpasok ng kamay ni yel sa loob ng pantalon ni 'scorpion king'. pikit at pagsandal sa katawan ni yel ang ganti ni 'scorpion king' bilang pangsangayon. ginamit naman ni 'scorpion king' ang aking katawan para hindi maaninag ng ibang mananayaw. para kaming chili hotdog sandwich ng pagkakataon na yun. sobrang init. sobrang cheesy. iniwan ko muna si yel at 'scorpion king' para magkasarilinan.

bumalik ako kina gibb at fenn, sa pagkakataon iyun ay meron kasayaw si fenn. si 'golayat' kasi sobra ang tangkad ng lalaki yun. para kaming si frodo, sam, at peregrin nang mga sandaling yun. nakikita ko ang kasayahan ni fenn sa kanyang pag-indak. maharot at mapanghalina. matatalo ako kay fenn kung malaswang pagsayaw ang paguusapan. ibinaling ko kina yel at 'scorpion king' ang aking tingin, aninag ko na naglalapat ang kanila labi at ninanamnam ang bawat sandali.

teka, nasaan nagpunta si gibb? palagay ko meron na siyang nahalina. maamo at masasabi ko na magandang lalaki si gibb. maputi at mapupula ang kanyang labi. medyo may katagalan rin nawala si gibb.

nakisayaw ako sa ibat ibang nilalang ng gabing iyon. karamihan mas bata sa akin. may makisig. may patpatin, pero malakas ang loob na hubarin ang pangtaas na kasuotan. may grupo na pinaikutan ako, pero umiwas ako dahil ayaw ko sa ganun attention. lahat magaganda sa aking paningin. hindi ko alam kung dulot ito ng alak o ng ilusyon ng ilaw. masaya. nakakahalina. kakaiba. hindi ko napansin ang paglipas ng oras. hanggang unti-unti nang nawawala ang mga mananayaw.

bumalik ako sa aming VIP table dun ko nadatnan si gibb. may kausap, si 'huge'. kasi ayun ke gibb ay may kalakihan raw si 'huge'. hindi ko na tinanong kung anung ang malaki na tinutukoy ni gibb. pero kung pagmamasdan mo si 'huge' ay may kalakihan nga ang katawan. halata na mahilig rin magbuhat ng bakal. ininom pa namin ang mga natitirang bote ng beer bago kami nagpasyang lumabas na sa palawan.

pasikat na ang haring araw ng lumabas kami ng palawan. marami ang nagaantayan at naguusap sa labas ng palawan. lahat mapupungay ang mata. lahat pawisan. at lahat napapakiramdaman.

nagpalamig muna kami labas ng palawan. marami pa rin ang nakikipagtitigan. nakikipagngitian. nakikipagkindatan. nagaantay na maanyayahan.

"ayun, yun siya" tinig mula kay fenn. tinutukoy pala nya ang lalaki na kanyang natitipuhan. na tatlong lingo nya nang nililigawan ng tingin. tinanong namin kung sigurado ba siya sa kanyang nararamdaman (puso o libog ala na kaming pakialam TNMz!) pinuntahan ni gibb ang grupo ng lalaki. ginamitan nya ng kanyang halina at ilang sandali lang ay bitbit na ni gibb ang lalaki. 'eric' ang kanyang pagpapakilala. pareho naman pala sila nagkakakitaan sa palawan. pareho silang nakakatitigan. pero sadyang mahiyian ang dalawa kaya walang nangyari sa loob ng tatlong lingo.

sa chowking, kami kumain ng pangumagahan, kasama si eric. ang nakakatuwa, lahat ng parokyano ng palawan, nandoon rin sa chowking. nagpapalipas ng oras. nagkukwentuhan. at meron rin mga naghahalikan. NAGHAHALIKAN! opo tama ang inyong nabasa. TNM! si fenn at si eric ay nagpapalitan ng kwento. nagsusubuan. naglalambingan. para silang mga magkasintahan.

napagkasunduan na ihatid muna fenn sa kanyang tirahan kasama si eric, tapos si gibb, tapos si yel. at ako, bahala na sa buhay ko. ako kasi ang may dala ng sasakyan. habang tinatahak namin ang kahabaan ng EDSA. nakikita ko sa salamin panglikod (rear mirror sa english) ang ginagawang romansahan ni fenn at eric. malalim at mainit ang kanila halikan. nagkakapaan ng kanilang ka-buo-han. nagiinit ang kanilang damdamin. si yel sumisigaw ng 'wag kayo sa tabi ko, baka matalamsikan ako!'. tawanan kaming lahat sa sasakyan. naging ganun ang mga pangyayari hanggang sa marating namin ang tirahan ni fenn. dali-dali silang bumaba ng sasakyan at hindi magkandaugaga sa pagpasok sa gate ng kanyang tinitirahan, upang ipagpatuloy ang kanilang naudlot na pagiibigan.

naihatid ko na ang dalawa. huminga ng malalim at pumikit. panahon na para ako ay bumalik. bumalik sa aking mahal na astig. ang astig ng buhay ko na nag-aantay sa aking pagbabalik. ako ay babalik ng buo. walang bahid nang kung anu..

9 comments:

  1. nakapunta na ako yata once sa Palawan bar na yan. yan diba yung nasa may cubao? memorable kasi nakipag-PDA ako sa gitna ng dance floor. nyahaha.

    natawa ako kila peregrin, sam at frodo, haha.

    nakakatagpo rin pala ng pag-ibig sa ganyang mga lugar, mapuntahan nga ulet yan. Nakakatuwa ka naman dahil meron na palang nagpapatibok ng iyong puso.

    somehow ang paraan ng iyong pagkakabuo ng istoryang ito ay hawig sa mga post ni knox galen.

    ReplyDelete
  2. may pagka-pareho nga ng style kay Knox. hmmmm... siguro idol ni emanon si Knox.... hehehe

    ReplyDelete
  3. @prince_cloud at trip. sensya na kay knox. hindi ko alam na meron pala ako kaparehas kung magsulat. pero sa totoo lang. hindi talaga ako mahilig magbasa ng blog. syensya na ulit pero hindi ko pa nakikilala si knox galen.

    ReplyDelete
  4. @prince_cloud. yup. sa cubao nga yun. normal lang ang PDA dun sa dance floor. oo. may nagmamayari na ng puso ko. nahanap ko na ang astig ng buhay ko.

    hindi ko masisiguro kung pede pang-matagalan ang pagibig na makikita mo dun. pero malay natin mali ako :D

    ReplyDelete
  5. Kuya Trip at Cloud: Solo flight ako gumimik sa bar para walang nakakakita kung paano ako magpahumaling ng kapwa o lalaki. Tsaka, mas pangiliti ang diskarte ni Emanon sa akin.

    Emanon: Ako nga pala si Knox Galen pare. Nice entry.

    ReplyDelete
  6. nako mukhang lalaki pa ang barkada ninyo ah. hehehe enjoy kayo. wish I could do the same pero diko kaya hehehe.

    ReplyDelete
  7. wag masyadong excited mga guys, baguhan lang si emanon sa blogging baka ma-intimidate siya.

    salamat at nag comment si Knox, isa pang astigin ng blogworld. hehehe

    ReplyDelete
  8. @Knox Galen nice meeting you pare. salamat.

    minsan gimik tayo para makilala pa kita ng maigi. :D

    ReplyDelete
  9. @jabblo salamat pero ako intimidated? hmmm hindi naman hehehe kaya nga naging kasapi ng jabblo kasi astigin. walang sinasanto. kahit sino.

    ReplyDelete

Powered By Blogger