Tuesday, September 1, 2009

Online/Offline

Kung mahilig ka mag-chat sana naman marunong ka rin mag organize ng daang daan friends sa list mo. May option ang YM na idelete ang mga taong ayaw mong kausapin pero may option din naman na iignore mo na lang sila.

Di ko ugaling mag-invisible sa YM, wala naman ako kaaway para pag taguan sila. Sabihin na natin na marami ngang makulit dyan, e ano ba naman kung iignore mo na lang sila, stealth mode ang tawag dun.

Ang kinaiinisan ko sa lahat e yung mahilig mag ‘send to all’ ng good morning, good afternoon, good evening at kung ano ano pang mga good sa buhay nila na wala naman akong pakialam. Kulang na sa pansin, spammer pa tawag sa kanila.

E kung inis ako bakit di ko sila i-delete? Kung ide-delete ko may posibilidad na maencounter ko ulit sila, kung hahayaan ko sila sa listahan ko alam ko kung sino ang kailangan iwasan.

At eto pa isa, bigla ka na lang ibu-buzz at tatanungin ang ‘asl’ mo, samantalang nag chat na kayo before o kakachat nyo lang nung isang araw. Ano ba naman tignan ang chat history o baka naman kulang ka lang sa sustagen? Inom lang para mabawasan ang memory gap.

Wag naman sanang maging desperado sa chat, makaunawa sana kung ano ang ibig sabihin ng ‘fair trade’, kung wala kang pang-trade wag makulit. Hindi porke’t napagbigyan ka na i-view ang webcam nya, e ipipilit mo pang ipahubad pati damit nya kung wala ka rin namang webcam. Wag mo na lang din sabihin na babawi ka na lang sa next time na chat nyo, dahil bibihira na lang ang mga tanga at nauuto ngayon.

At ihihirit pang “It’s just a test pare kung may trust ka sa akin”

Tangna mo di test tawag dun, gusto mo makaisa e ngayon pa lang tayo nagchat. Try mo kaya magpa-psychological test.

Di totoong walang matino sa chat, bastos ka lang siguro kaya bastos din nakakaharap mo. Maraming matino dyan, mailap lang sila sa mga bastos at garapal.

5 comments:

  1. di rin ako nag-didelete ng contacts sa ym para makita ko ang iniiwasan kong nakaon-line. mag istealth mode na lang ako sa kanila at di rin ako sumasagot ng mga opening messages na di isinasama ang aking pangalan.

    ReplyDelete
  2. Notorious ako sa tatlong bagay: 1. Bihira ako mag-add ng kausap sa YM. 2. Kapag inatake ako ng pagiging OC, bigla na lang ako nagdedelete ng contact na hindi ko na kailangan. 3. Nagmana ako kay Kuya Trip kaya wankata pics lang pinapakita ko sa ka chat ko.

    ReplyDelete
  3. ako din. pero hindi ako nagdedelete. nilalagay ko lang sa folder 'yung mga contacts na ayaw ko na kausapin.

    ReplyDelete
  4. once lang ako nag delete ng contacts. para hindi matempt na i YM yung contact na yun. tutal naman wala namang balak na makipag usap nung tao sa akin eh. hehe

    ReplyDelete
  5. naku hindi lang sa YM merong mga ganun tao.. even sa mga community sites. face pic raw, eh putsa kahit body pic nga nung humihingi wala.

    tapos hindi pa marunong magbasa ng profile. nasa profile ko naman in BOLD letters "NOT INTO SEB" magsend ba naman ng message "nice body pare. ganyan mga trip ko, mga muscular lean at mapuputi. bottom here. wanna come to my place?" reply ko "anak ka naman ng kuto, pwede ba magbasa ka muna ng profile bago ka nagsend ng message"

    hayz! nakakita lang ng magandang katawan hindi na marunong magbasa ng profile.

    ReplyDelete

Powered By Blogger