Wednesday, September 2, 2009

LOKOTOY

“Tol mahilig ka ba?” Tanong sa akin ni Bakal.

“Mahilig saan?” patanong ko ring sagot sa kanya.

”Kunwari pa tong tao na ito. Mahilig ka ba sa Seks?”

”Puta ka, pati ba yan kelangan mo pang alamin sa akin?” sabay tawa ko.

”Lokotoy ka talagang loko ka”. Nagtawanan kami parehas.
---

Talagang mahilig ako tulad ng sandamakmak na lalaking makakasalubong mo sa daan. Na pag binigyan ng pagkakataon na makipagharutan, makipaglandian, makipaglapirutan ng laman ay kaagad na bumibigay. Marami- rami na rin akong nakaseks. May masbata, mas matanda, may jowa, may asawa, pati na yung malapit nang mag-asawa, kaibigan, katrabaho, kapitbahay. Lokotoy yan ang tawag sa akin ng tunay na nakakakilala sa akin.

Ilan sa kanila ay nakarelasyon ko. Pero ni isa wala akong sineryoso. Kung magmamahal ako hindi sobr, below the average lamang. Nang iiwan ako, minsan akoy iniiwan din, wala sa akin yun. Marami rami na rin akong napaiyak, pero wala pang nagpaiyak sa akin. Pero sinisigurado ko na sa bawat relasyon na pinapasok, iisa lang siya sa buhay ko at walang kahati. Kasi ang ibang tao humahanap pa ng ibang mamahalin, kung saan may umuukupa na ng puso niya, mas LOKOTOY yun kasi niloloko lang niya ang sarili niya pati yung dalawang tao na dapat minamahal niya.

Sinisigurado ko rin na hindi ako ang unang magmamahal kasi ayaw kong matalo sa bandang huli. May modernong kasabihan kasi na kung sino daw ang unang magmahal, sila ang palaging talo. May nagmamahal nga sa akin, may minahal din naman ako, madami dami na rin siguro, pero bakit parang may kulang pa.

Nabuo ang pagkatao ko nang may dumating na hindi inaasahan. Hindi siya nabitag ng Sapot ng Lokotoy. Kakaiba siya. Magaling makisama, madaling kagaanan ng loob, mabait at mala-anghel. Hindi ko namalayan na ang Lokotoy na pala ang nasaputan at nahawlahan ng dating estranghero na naibigan at napamahal sa Lokotoy. Sa madaling salita sa kauna unahang pagkakataon ako ang natalo sa laro ng pag-ibig. Nakahanap ng katapat ang Lokotoy. Sa kauna unahang pagkakataon may nang iwan sa Lokotoy na sobra niyang dinamdam. Umalis kagad siya sa buhay ko, hindi ko man lang siya natikman o napaibig man lamang.

Eh ano naman ngayon kung iniwan ako. Nahanap ko naman ang nawawalng parte ng buhay ko. Yun ay ang masugatan at maghilom, mapeklatan ang kung anuman ang nasugatan. Akala ko noon matibay na ang aking depensa sa mga ganitong pangyayari. Hindi pa pala, pero ngayon mas astigin na muli at kaya na muling sumabak sa laban!

Palaging tandaan na sa buhay hindi lang basta matalas ang sandata ay OK nang sumabak sa laban ng buhay at pag-ibig. Dapat matibay din ang iyong kalasag, para kung sakaling madaplisan ng sandata ng kalaban, hindi gaanong masasaktan.

Ngayon ngay si Lokotoy ay Lokotoy pa rin. As usual. Hinahanap ang kasunod na makakatapat sa laban ng buhay at Pag-ibig.

3 comments:

  1. ang sagwa naman ng "lokotoy" na word. parang nanlalanta. hehehe.

    "Palaging tandaan na sa buhay hindi lang basta matalas ang sandata ay OK nang sumabak sa laban ng buhay at pag-ibig. Dapat matibay din ang iyong kalasag, para kung sakaling madaplisan ng sandata ng kalaban, hindi gaanong masasaktan." maganda to. dapat balanse ang pang opensa at depensa. hehehe

    ReplyDelete
  2. you'll never realize the essence of love until we get hurt.

    taman naman ang pagiging strong pero sometimeswe have to get intouch with our feminine side, yong pagiging soft ng isang tao. kasi pag strong tayo lagi at the end magiging manhid tayo.

    musta have a great day.

    ReplyDelete
  3. basta ako naging palaboy, nakipaglaro sa naparaming tao. gumamit, nakigamit, ginamit, ginagamit at lahat ng meron salitang "ga-mit". TNMz! nakasalamuha ko na siguro lahat ng uri ng tao. pero pinakaiiwasan ko ung mala-angel sa mukha lalo na sa mga salita. kasi sila ang mga tao hindi katiwatiwala. kaya pag nagsimula na yan humingi, yung una oks lang, ung pangalawa medyo bitinin mo, pero pag humingi ng pangatlo medyo magisipisip ka. dapat dyan iniiwanan at pinapako sa crus. TNMz!

    ReplyDelete

Powered By Blogger