Tawagin nyo na lang akong Argus, hindi ko totoong pangalan. Dalawampu’t siyam na taong gulang. Manileno. Marami nakong karanasan sa buhay. Marami rin akong sikretong tinatago. Tahimik lang akong tao kaya madalas sabihin ng mga kaibigan ko na masyado daw akong misteryoso. Misteryoso ngang matuturingan di lang nila alam nasa loob ang kulo ko. Wala akong hilig sa maiiingay na lugar, di ko rin trip ang mga bars o inuman. Yosi at kape, dyan magkakasundo tayo.
Mundo ko na ang internet, mas maraming oras ang nagugugol ko dito kesa sa makisalamuha sa tao. Iba’t ibang mukha na rin nakadaupang palad ko, meron matino pero mas madaming gago. Yung iba naging kaibigan ko na, samantalang yung iba di na dapat pinag aaksayahan ng panahon. Masasabing beterano nako sa mundong ginagalawan ko, marami nakong natutunan para maging matatag sa kalakaran ng internet.
Mahilig akong magbasa ng blog, noon yun! Pero ngayon madalang na, bibihira na lang kasi ang may laman. Karamihan puro kayabangan nalang ang isinusulat o di kaya e pataasan ng ihi. Karapatan nila yun dahil blog nga nila yun. Kung dun sila masaya hayaan mo sila.
Tamad din akong magsulat, gaya ni emanon mas gusto ko pang kinukwento ng harapan.
Marami rin akong kwento, dito susubukan kong ilabas ang mga natatago kong sikreto.
gloomy friday
7 years ago
pero dahil may blog ka na, kailangan mo na isulat ang mga kuwento mo. matitipid ka na ngayon sa laway. iwas ka na sa sakit sa lalamunan. hehehe
ReplyDeleteyehey! aantayin ko ang iyong mga kwento... lalo na iyong mga natatagong sikreto :D
ReplyDeletemagiging masaya ito! hehe
ReplyDelete---
ako na lang pala ang hindi nakakapagpakilala.