ako si emanon. bago sa kapatiran ng mahilig magsulat sa kalawakan ng sayber. simpleng tao pero may dating. karinyoso at madaling mahalin. malambing. maalaga. at higit sa lahat may puso.
marami ako hilig. mahilig ako magdownload ng pelikula, laro at musika. kaya magtanong ka baka meron ako. kung wala man eh ihahanap kita. yun eh kung meron ako makikita sa sayber. mahilig ako sa aso. meron ako lima labrador retrievers at sampu na mongrel. marami. magulo. masaya. at nakakaalis ng anu man klase ng problema pag kami ang magkakasama. mahilig ako sa chokolate. mas maitim mas masarap. mahilig rin ako magluto. ito na ata ang maituturing ko na pang alis ng stress sa araw araw. pwede rin kita ipagluto. kahit ano kaya ko. buksan mo ang refrigerator mo, ang laman ang basehan ng aking iluluto. mahilig rin ako kumain. at para mapanatili ang kakisigan ng aking katawan mahilig rin ako magbuhat ng bakal, tumakbo sa kalye at maglaro ng bola.
hindi ako mahilig sumunod sa agos ng uso. kumplikado kung magisip kaya medyo reserb sa obserbasyon ng mga tao. marami tao ang ilag sa akin dahil mukha raw ako manguumbag. dahil na rin siguro sa aking kakisigan at astigin na pagkilos. pero wag ka, astigin rin ang hanap ko. oo nga pala nahanap ko na ang astig sa buhay ko.
may katigasan ang ulo. sa taas at sa baba. pero nakokontrol ko naman ang katigasan ng ulo ko sa baba. minsan kinaiingitan at kinaiinisan pero kadalasan kinahuhumalingan at pinagpapantasyahan. emanon, ay ako.
gloomy friday
7 years ago
nakakaintriga naman ang tropa nyo. wow mahilig din ako sa Aso!!! kaso bawal mag alaga ng hayop dito, Camel lang ang pwede =D
ReplyDeletenakup, maghihihintay pa ako ng mga kwento mo, mukhang exciting ito!
welcome sa blogworld! =D
kung si masai, nasa japan, si emanon kaya taga-saan. kasi mukhang wala sa pilipinas ang mga manunulat dito. hehehe
ReplyDelete@Prince_Cloud maraming salamat sa mainit na pagtangap. oist! nais ko rin mag-alaga ng camel. sakto sa hasyenda ng ama ko hehehe :D
ReplyDelete@Trip sa kasalukuyan ay nasa bansang sinilangan ako. kakauwi ko lang galing sa korea. bansa ng mga taong walang pahinga.
ReplyDeleteuuuuuuuuuuuyyy. di ko alam na ganoon ka @emanon kadunong magluto. pag-uwi ko luto tayo. party na rin nating mga jabblo. hehehe
ReplyDelete@Masai sige.. masaya ang naisip mo.. paramdam ka lang pag nasa pinas ka na.
ReplyDeleteEmanon: aba, madami dami akong pelikulang maililista, baka meron ka, o baka maihanap mo ko sa sayber. O di kaya, mas mainam na samahan mo kong panoorin ang mga to, ta's pagusapan habang kape kape at yosi yosi!
ReplyDeletehehehe dumadami na pala members dto. gus2 ko din ng chokolate.
ReplyDelete@Luis Batchoy shoot! tingnan natin kung meron na ako sa mga koleksyon ko. samahan sa pagnood ng mga pelikula... sure :D kape kape lang ayaw ko ng yosi.
ReplyDelete@xtian1978ii magkasundo pala tayo. penge naman ng tsokolate mo :D