Thursday, September 10, 2009

Ang Killer Kindat

“Huy Atom daan ka muna dito at makapagkape’t biskwit!” Sigaw sa akin ni Dentor, isang kababata nang mapadaan ako kanina sa tapat ng bahay nila papauwi sa bahay namin.

Namatay nga pala ang lola ni Dentor at kasalukuyang pinaglalamayan ng mga kamag-anak at kapitbahay. Tumango ako at pumunta sa bahay nila hindi lamang dahil libre ang Kapet Biskwit kundi pati na rin magbigay galang sa namatay na lola.

Inabutan ako ni Dentor ng kapet biskwit at tumabi siya sa akin, tanaw namin ang mga batang naglalaro ng kung tawagin ay larong pampatay: mga laro na nilalaro kalimitan kung may patay. Yun yung mga nilaro rin namin nila Dentor kung kami ay mga bata pa: OTSO BISKOTSO, HALO HALO KALAMAY, PARTE NG BAKA at yung hindi ko makalimutan na KILLER, PULIS, JUDGE.

Sa larong KILLER, PULIS, JUDGE ang mga gamit na kailangan lamang ay ilang piraso ng baraha na katumbas ng kung ilang tao ang maglalaro (minimum na 4 kalaro, mas marami mas maganda). Ang gagamiting mga baraha ay ang mga sumusunod:

Isang KING ng kahit anong uri
Isang Queen ng kahit anong uri
Isang Jack ng kahit anong uri
At mga ordinaryong baraha na kukumpleto sa bilang ng manlalaro.

Babalasahin ang mga baraha at ipamimigay sa mga kalaro.

Kung ang nakuha mo ay ang KING, ikaw ang KILLER, at ikaw ang papatay sa iyong mga kalaro sa pamamagitan ng iyong KILLER KINDAT. Ang Objective ng KILLER ay mapatay sa KINDAT ang QUEEN na Siya ring Judge ng laro. Pero Mag – iingat sya at iwasang makindatan o kayay mahuling nangingindat sa mga tao-tao ng JACK dahil siya ang PULIS, huli siya kung saka sakali. Ang makakuha naman ng mga ordinaryong barahang walang mukha ay mga tao- tao lamang. Pag nakindatan ng Killer ang mga citizens at ang judge sasabihin nila na ”I AM DEAD”. At pagmanghuhuli ang pulis ng inaakalang Killer sasabihin niyang ”HULIKAW!”. Tandaan ang may karapatan lang mangindat ay ang Killer.

Matatapos ang laro sa mga sumusunod na pangyayari:

1. Pag nakindatan at napatay ng Killer ang Judge. May consequence ang Pulis dahil bopols siyang manghuli
2. Pag nakindatan o nahuling nagingindat ng Pulis ang Killer. May consequence ang Killer dahil mahilig mangindat.
3. Pag nagkamali ng taong hinuli ang Pulis. May consequence siya dahil hindi magaling mag imbestiga

Eh Bakit ko ba naikwento ito? Kasi sa palagay ko sumasalamin sa buhay ang larong ito.

Kung mapapansin may pagka-Love triangle ang larong ito. Hilahan ng lubid ng dalawang tao upang makuha ang isang bagay o isang tao. Gagawin ng Killer ang lahat upang mahanap at makuha ang taong iibigin, ang Pulis naman ay poprotektahan ang iniibig upang hindi makuha ng mapangahas na nilalang. Napakaswete naman ng taong pinag-aagawan, ngunit sa huli siya pa rin naman ang pipili at maghuhusga kung kanino pupunta ang puso niya. Yung mga citizens naman, mga friends yan na nagmamasaid masid sa mga kaganapan.

Yung mga may Killer kindat, piliing mabuti ang mga kikindatan upang hindi makasakit ng damdamin ng citizens (tao-tao), walang gamitan. Sa mga Nagpupulispulisan wag masyadong mahigpit magmahal kung hindi rin naman pinapahalagahan ang iyong ibinibigay na mabuting bagay at sa mga nagrereyna reynahan sa laro ng buhay, dapat UTAK ang gamitin hindi lang basta puso kung sino ang pipiliin sa mga nagbabanggaang bato.

---

Ayun umuwi akong busog at nakangisi kasi napagtanto ko na sa larong yun ako nahasang ngumiti at mangindat.

2 comments:

  1. gandang laro. narinig ko na iyan pero di ko pa nasubukang laruin. minsan gawin natin iyan pag-uwi ko. hehehe.

    ang galing ng analogy mo. atomic talaga. gusto ko maging pulis. torture ko ang mga suspect hanggang sa umamin na siya ang mahilig mangindat. hahaha

    ReplyDelete
  2. Hi Dear,

    I am not sure if I am on your list of people you follow, but I have been following your blog for a while and I like what you have in here.

    May I ask a small favor... I hope you can follow my blog @ http://thegreenmandiary.blogspot.com

    Keep up the good work!

    Thanks so much.

    Sincerely,
    The Green Man

    ReplyDelete

Powered By Blogger