Thursday, October 15, 2009

T.I.I.S.

Ilang linggo na ang nakakalipas, hindi pa nananalanta ang super bagyong si Ondoy, merong Job Interview ang probinsyanong si Atom. Dahil nga ilang buwan na ring walang trabaho at sa bahay sa probinsya nakatambay, naobligang humanap ng trabaho sa maynila. Aba mukhang may tatanggap naman sa pobreng si Atom at wag ka sa corporate world ng Makati pa yata ang aking destiny, matetrain na ang dila sa inglets, makiki konyonatiks pa sa syudad.

Hapon na ng lumarga ako matapos kumuha sa pitaka ng Tatang ng pamasahe at pangkain na rin. Ang interview ko kasi ay bandang gabi natapat. Ewan ko kung bakit ganun ang isekdyul na ginawa nila. Na itext ko na si Tita Baby na taga pasig na doon ako makikitulog. Syempre naman todo attire ako. Bagong gupit, kuntodo Ultimate Hold gel pa ang gamit at bagong shine ang sapatos ko. Pinahiram din ako ni pinsan ng long sleeves na kulay baby blue pati na ang slacks pinahiram din ako. Kaso habang naglalakad ako papuntang sakayan ng bus, parang hindi yata complementary ang kutis ko sa kulay ng long sleeves. Moreno kasi ako hindi bagay sa light colored na baro. Weh wala naman na pakialaman eh. So go na ako.

Lintyak naman na ulan yan oo hindi pa ako nakakasakay sa bus umulan na kagad ng napakalakas, wala pa naman akong dalang payong. Buti na lang at may mabait na mag – sing irog na nagpasukob sa kanilang payong na malaki. Habang akoy nasa likuran nila amoy ko ang halimuyak ng pag iibigan nila. Todo akbay ang lalaki sa syota, akala nya siguro aagawin ko. nyakhakhak. Pero salamat sa kanila at hindi ako masyadong nabasa, medyo nahiya lang ako dahil nakakaasiwa. Kung hindi lang ako na ka attire aba maliligo pa ako sa ulan.

Dumating ang bus at sumakay na kami. Kaunti lang naman ang mga sakay kaya doon ako sa tatluhang upuan nagpunta para hindi ako gitgitin ng aking katabi. Wala pang isang oras na tumatakbo ang sasakyan, huminto sa may bus stop at napakadumaming nagsisakayan! May tumabi sa aking magsyota na naman. Anubayan magnet yata ako today ng mga lovers. At napakatweet nila. Mga ilang minuto ang lumipas aba eh naiihi ako. Patay kang bata ka, hindi naman ako pwedeng bumaba at nakabayad na ako at magkukulang ang budget ko. Tiniis ko na lang. Sa sobrang tiis, nakakailang palit ako ng posisyon sa pagkakaupo. At dahil katabi ko ang girl sa upuan hindi maiwasan na pandilatan ako ng lalaking katabi nya. Akala niya siguro ikinikiskis ko ang pwet ko sa pwet ng kanyang syota. Nyakhakhak. Hindi oy!

Pagkadating na pagkadating sa terminal ng bus sa maynila, napakatumabilis ako ng takbo papuntang Cr ng kulay pink ng MMDA, siguro kung sa arenola ako jumingle , awas yun tyak. nyakahakhak. Sa wakas nakahinga ako ng maluwag. Yun ang isang napakasarap maramdaman sa buhay, matapos ang pagtitiis at paghihirap may ginhawa ding kapalit.

Mukhang masama ang araw na ito sa akin, medyo madilim na at eto na naman ang ulan. Kumaripas ako ng takbo papuntang MRT station para makarating sa aking interview. Pero mabilis ang ulan, naabutan ako, hayun kumakanta ako ng Basang Basa sa ulaaaan. Tsk tsk, kawawang bata. Pagkadating ko pa sa istasyon ng MRT naknamputsa andaming tao. Syempre tiis muna ulet. Hintay ako. Pila ako. Piga ng basang polo ako. Punas ng tumatagas na gel sa buhok. Pero lalo yata akong nabasa nang Makita kong me nag se-sex este nag hahalikan sa pila sa harap ko, nak ng pating oo. Kinikilig naman ang mga manyakis na construction worker. Maganda ang babae at mukhang mabait ang lalaki. Hehehe. When it rain it pours nga naman ano. Andami nagmamahalan.

Nakapasok naman ako sa MRT ng matiwasay matapos makapanood ng Rated R na pelikula ahhh hindi pala - PDA lang pala ang tawag doon. Doon ako napwesto sa may kalikud likuran ng MRT. Pero bakit ba pati sa loob ng MRT may nasisilip pa din akong mga nag kakalikutang mga kamay. Naman oo. Hindi ko yata kayang gawin ito sa isang public transport. Mayroon akong nakita na magkaharap na tyak kong magsyota at ang matindi tindi mga lalaking astigin na naghahawakan ng mga organic na bakal nila sa katawan, nyakhakhak. Tumalikod na lang ako at kunwari wala ako nakita.

Iniwan ko ang lahat ng mga malilikot na kamay sa likod ko at kumaripas ako ng takbo papunta sa interview ko. Medyo tuyo na ang aking kaninay basang polo. Wala nang bisa ang Ultimate Hold Gel sa buhok ko matapos itong mahugasan ng ulan. Hindi na shiny ang sapatos ko matapos matubog sa kanal kanina at mukhang hindi na rin kaiga igaya ang aking amoy. Pero itinuloy ko pa rin ang pagpunta sa napakagandang building sa Makati.

Eh mukhang nalate yata ako ng dating sa opis dahil sa sangkatutak na aberya na nadaanan ko, pero pinaghintay pa rin ako sa may sala nilang maganda at aircon pa, medyo gininaw nga ako. Tiniis ko ang lamig para lamang magkaroon na ako ng trabaho. Tiniis ko din ang nananakit kong pantog dahil naiiihi na naman ako eh nahihiya akong tanungin kung saan ang CR sa supladang secretary. Makalipas ang isang buong oras na paghihintay. Wala pala ang mag iinterview. Wahaha.

Pero feeling ko hindi lang nila ako na accommodate kasi late na nga ako eh mukhang basang sisiw pa ako. Pero ok lang ganito talaga ang buhay. Umuwi akong lulugo lugo, kasabay ng ilang mga nakasuot ng magagarang damit, ang iba magkaholding hands pa. lintyak naman!

Tiis na tiis naman ako pero bakit wala pa ring nangyayari, sambit ko sa sarili ko.

Naalala ko ang magsyotang may dalang payong, pati na ang nakatabi ko sa bus na nakakiskisan ko pa ng pwet. Yung nag hahalikan sa may MRT. Pati na rin ang nag aanuhan (kung anuman ang tawag sa ginagawa nila) sa MRT. Pati na ang sandamukal na taong nakikita kong may kahawak kamay.

Napatingala tuloy ako sa langit at napabulalas na

TANG
INA
IM
SINGLE!!!

Sabay karipas ng takbo muli sa Pink na Urinal ng MMDA.

No comments:

Post a Comment

Powered By Blogger