Friday, August 28, 2009

palawan

biyernes, tumunog ang aking celfone, nang aking basahin. isang pagpapaalala na kaarawan pala ng aking matalik na kaibigan, si fenn. text ko agad ang ibang barkada para ipaalala na kaarawan ni fenn at sabay sabay kami bumati ng "maligayang kaarawan, sana ay malasing mo kami!! saan gagawin ang bongang-bongang pagdiriwang ?".

mga paguusap namin ni fenn sa telepono.

emanon : maligayang kaarawan, sana ay malasing mo kami!! saan gagawin ang bongang-bongang pagdiriwang ?
fenn : salamat friend! wala sa bahay lang. kayo ba san ang gimik nyo mamaya?

emanon : wala ako gimik mamaya. oist! friend bawal ang magmukmuk sa kaarawan. kelangan natin ipagdiwang yang kaarawan mo.
fenn : hayz! parang mas gusto ko pa matulog kesa lumabas mamaya. isang palatandaan na tumatanda na ako. kung gusto mo padalhan mo nlang ako ng pwede ichurva. hahaha

emanon : ahh! subukan mo si rick. magkalapit lang naman tirahan nyo. pero dapat lasingin mo muna bago mo ichurva.
fenn : HAHAHAHA gago! hindi talo yun. barkada yun eh.

emanon : kaya nga, kelangan natin lumabas at para makahanap ka ng churva.
fenn : san naman tayo gigimik?

emanon : ikaw. kung saan kaya ng budget mo. kung saan masaya at makakahanap ka ng churva.
fenn : sige sa dati nalang. pero kaw magmaneho ng sasakyan ahh.

emanon : ok. 11:00pm sa dating tagpuan.
fenn : ok. copy. see you friend! salamat!

emanon : mga kapatid sa pananapalataya sa sinag ng buwan at bituin. tuloy ang ligaya mamayang gabi. 11pm sa dating tagpuan kina fenn.
gibb : ok. bilangin mo ako papasok (count me in sa ingles)
sam : hindi ako pwede. meron kami team building sa libis. pero habol ako
dj : ** walang sagot **
pul : ** walang sagot **
** LQ na naman siguro ang dalawa **
yel : yup. dayoff ko mamaya. sama ako.


pagsapit ng alas onse nang hatinggabi nagkitakita na kami sa dating tagpuan. halos kaming lahat ay nakagayak na damit pang-gimik. mga kasuotan na nagpapahiwatig ng kagandahan ng hubog ng katawan. mga katawan na hindi mo makikita sa pangkaraniwan.

sa palawan ang napagkasunduan na puntahan ng barkada. dahil mas mura ang mga inumin kumpara sa ibang gimikan. pero tulad ng ibang aliwan. madilim, patay sinding ilaw na iba-iba ang kulay at may maingay, pero nakakaindak, na tugtugin. ang karamihan ng parokyano ng aliwan na ito ay nasa edad 30 pababa. karamihan ay maipagmamalaki ang kagandahan ng kanilang mukha pero bibihira ang nagtataglay ng kakisigan ng katawan. meron iilan na hindi nagtataglay ng kagandahan, sa mukha o sa katawan man.

pagpasok, maraming mga mata ay nakatingin sa amin. pagkakataon na pakiramdam ko ay unti-unti ako hinuhubaran at kakainin ng buhay. meron mga kamay na humawak sa aking likuran, braso at sa tiyan. mga pamamaraan marahil ng pag-welcome sa aming pagdating.

sa VIP kami nakakuha ng upuan. sa palangawang palapag yun ng aliwan. dun umorder si fenn ng tatlong balde ng beer, apat na margarita, at mga pulutan. masaya ang pagpapalitan ng kwento ng mga barkada. dun ko nalaman na si fenn ay may nagustuhan na lalaki sa palawan, mayroon na tatlong linggo na niya itong nililigawan.. sa tingin. si fenn ay isang mayaman na negosyante na nagmamayari ng apat na rtw store. si gibb nagbabakasakali pa rin na magkabalikan ng kanyang kasintahan at malapit na rin siya umalis papuntang US para makasama ang kanyang mga magulang, si gibb pala ang nagpakilala sa akin sa pagpunta sa mga ganitong mga lugar. at si yel ay kalilipat lang malapit sa aming tinitirahan. dun ko rin napagalaman na naghiwalay na pala sila ng kanyang kasintahan. si yel ay isang masayahin na tao. walang keme sa katawan. sumasali rin pala siya sa mga patimpalak ng kagandahan. kaya masasabi ko na meron naman ipagmamalaki si yel kung kagwapuhan lang ang paguusapan.

masaya at nakakatawa ang mga ginagawang aliw ng mga bakla tagabigay aliw. meron kakanta at gagayahin ang mga tanyag na mangaawit. meron rin mga comedy act na siguradong makakasakit ng iyong tiyan sa kakatawa. meron rin silang inihandang mga moderno at mga sikat na sayaw na kahit sino ay mapapaindak. masaya ang mga ginawang aliw ng mga performer. maraming oras pa ang nagdaan at natapos na lahat ng programa ng gabing yun. hudyat lang na malapit na ang sayawan. sayawan na pinakahihintay ng mga parokyano ng gabing yun.

nagpalipas kami ng ilang minuto bago kami pumunta sa sahig sayawan (dance floor sa ingles). dahil sa impluwensiya ng alak. nawawala lahat nang inhibisyon ng tao. walang panget. walang maganda. lahat nagiging pantay. haluan mo pa ng patay sindi at nakakahipnotismong ilaw. kahit anung indak ang gawin mo basta igalaw mo lang ang iyong katawan ay maituturing mo nang sayaw. "tangalin ko ang tshirt mo" tinig na aking narinig mula sa aking likuran. itinaas ko ang aking mga kamay, bilang pangsanayon. isinuksok niya ang kanyang kamay sa loob ng aking tshirt at pananabik na hinaplos ang aking kakisigan. mula sa aking pusod pataas sa akin matikas na dibdib hanggang sa aking naglalakihang braso, tuluyang na niyang nahubaran ang aking kakisigan. tumalikod ako, upang makaharap ang nilalang sa aking likuran. isang astigin lalaki pala ang aking kasayaw. maamo ang kanyang mukha pero may maypagkapilyo ang kanyang ngiti. bilang ganti. hinaplos ko rin ang kanyang kakisigan at tuluyang hubarin ang kanya pantaas na kasuotan. walang lumabas sa aming labi puro indak lang ng aming katawan.. ganun ang ginawa namin paguusap. sa sahig sayawan doon kami nagpakiramdaman. may mga pagkakataon na magkalapat ang aming mga katawan. nagpapalitan ng init. napapalitan ng pawis. pero iwas ako sa pagkakataon na hahalik siya sa aking labi. nabali lang ang aming pagsasayaw ng meron yumakap sa aking katawan. si yel pala. nagpaalam ako ke 'scorpion king' kasi meron siyang tatoo na alakdan sa kanyang likuran. nagyakapan kami bilang pasasalamat.

bumalik ako sa aking mga barkada. masayang umindak si fenn at gibb sa tugtugin habang si yel at nakayap pa rin sa akin. may ibinulong "type ko kasayaw mo", "pakilala kita, gusto mo?" ang tugon ko. umindak kami papunta sa sinasayawan ni 'scorpion king' at nang makita ako, ngumiti na punong-puno ng kapilyuhan. hinawakan ko siya sa kamay at iniharap sa akin. habang si yel ay pumunta sa likuran ni 'scorpion king' at dun umindak. niyakap ni yel si 'scorpion king' nang buong pagnanasa at siya naman ay nakahawak sa balikat. naaaninag ko ang pagpasok ng kamay ni yel sa loob ng pantalon ni 'scorpion king'. pikit at pagsandal sa katawan ni yel ang ganti ni 'scorpion king' bilang pangsangayon. ginamit naman ni 'scorpion king' ang aking katawan para hindi maaninag ng ibang mananayaw. para kaming chili hotdog sandwich ng pagkakataon na yun. sobrang init. sobrang cheesy. iniwan ko muna si yel at 'scorpion king' para magkasarilinan.

bumalik ako kina gibb at fenn, sa pagkakataon iyun ay meron kasayaw si fenn. si 'golayat' kasi sobra ang tangkad ng lalaki yun. para kaming si frodo, sam, at peregrin nang mga sandaling yun. nakikita ko ang kasayahan ni fenn sa kanyang pag-indak. maharot at mapanghalina. matatalo ako kay fenn kung malaswang pagsayaw ang paguusapan. ibinaling ko kina yel at 'scorpion king' ang aking tingin, aninag ko na naglalapat ang kanila labi at ninanamnam ang bawat sandali.

teka, nasaan nagpunta si gibb? palagay ko meron na siyang nahalina. maamo at masasabi ko na magandang lalaki si gibb. maputi at mapupula ang kanyang labi. medyo may katagalan rin nawala si gibb.

nakisayaw ako sa ibat ibang nilalang ng gabing iyon. karamihan mas bata sa akin. may makisig. may patpatin, pero malakas ang loob na hubarin ang pangtaas na kasuotan. may grupo na pinaikutan ako, pero umiwas ako dahil ayaw ko sa ganun attention. lahat magaganda sa aking paningin. hindi ko alam kung dulot ito ng alak o ng ilusyon ng ilaw. masaya. nakakahalina. kakaiba. hindi ko napansin ang paglipas ng oras. hanggang unti-unti nang nawawala ang mga mananayaw.

bumalik ako sa aming VIP table dun ko nadatnan si gibb. may kausap, si 'huge'. kasi ayun ke gibb ay may kalakihan raw si 'huge'. hindi ko na tinanong kung anung ang malaki na tinutukoy ni gibb. pero kung pagmamasdan mo si 'huge' ay may kalakihan nga ang katawan. halata na mahilig rin magbuhat ng bakal. ininom pa namin ang mga natitirang bote ng beer bago kami nagpasyang lumabas na sa palawan.

pasikat na ang haring araw ng lumabas kami ng palawan. marami ang nagaantayan at naguusap sa labas ng palawan. lahat mapupungay ang mata. lahat pawisan. at lahat napapakiramdaman.

nagpalamig muna kami labas ng palawan. marami pa rin ang nakikipagtitigan. nakikipagngitian. nakikipagkindatan. nagaantay na maanyayahan.

"ayun, yun siya" tinig mula kay fenn. tinutukoy pala nya ang lalaki na kanyang natitipuhan. na tatlong lingo nya nang nililigawan ng tingin. tinanong namin kung sigurado ba siya sa kanyang nararamdaman (puso o libog ala na kaming pakialam TNMz!) pinuntahan ni gibb ang grupo ng lalaki. ginamitan nya ng kanyang halina at ilang sandali lang ay bitbit na ni gibb ang lalaki. 'eric' ang kanyang pagpapakilala. pareho naman pala sila nagkakakitaan sa palawan. pareho silang nakakatitigan. pero sadyang mahiyian ang dalawa kaya walang nangyari sa loob ng tatlong lingo.

sa chowking, kami kumain ng pangumagahan, kasama si eric. ang nakakatuwa, lahat ng parokyano ng palawan, nandoon rin sa chowking. nagpapalipas ng oras. nagkukwentuhan. at meron rin mga naghahalikan. NAGHAHALIKAN! opo tama ang inyong nabasa. TNM! si fenn at si eric ay nagpapalitan ng kwento. nagsusubuan. naglalambingan. para silang mga magkasintahan.

napagkasunduan na ihatid muna fenn sa kanyang tirahan kasama si eric, tapos si gibb, tapos si yel. at ako, bahala na sa buhay ko. ako kasi ang may dala ng sasakyan. habang tinatahak namin ang kahabaan ng EDSA. nakikita ko sa salamin panglikod (rear mirror sa english) ang ginagawang romansahan ni fenn at eric. malalim at mainit ang kanila halikan. nagkakapaan ng kanilang ka-buo-han. nagiinit ang kanilang damdamin. si yel sumisigaw ng 'wag kayo sa tabi ko, baka matalamsikan ako!'. tawanan kaming lahat sa sasakyan. naging ganun ang mga pangyayari hanggang sa marating namin ang tirahan ni fenn. dali-dali silang bumaba ng sasakyan at hindi magkandaugaga sa pagpasok sa gate ng kanyang tinitirahan, upang ipagpatuloy ang kanilang naudlot na pagiibigan.

naihatid ko na ang dalawa. huminga ng malalim at pumikit. panahon na para ako ay bumalik. bumalik sa aking mahal na astig. ang astig ng buhay ko na nag-aantay sa aking pagbabalik. ako ay babalik ng buo. walang bahid nang kung anu..

Wednesday, August 26, 2009

Three-Second Look

marami na akong nababasa sa mga blogs ukol sa "three seconds look". iyun ba ang tipong may titingin sa iyo sa isang publikong lugar ng mga tatlong segundos pagkatapos sasabihin mong trip ka o may gusto sa iyo iyung tumingin. sa isang salita, bakla iyung tumingin sa iyo pag kapwa mo siyang lalake. pusang gala, di totoo lagi iyun.

kahapon, habang nakasakay kami sa bus papuntang dorm, isa sa aming kasamahang lalake ay biglang napasambit "wow, papable", sabay turo sa isang sasakyan na kasabayan ng aming bus. nang nilingon ko iyung nasabing sasakyan ay nakita ko ang isang pulang kotse na merong nagmamaneho na foreigner. doon ko na-gets iyung sinabi niya. "papable" as in puwedeng maging papa. nagtaka ako sa kanyang ipinakita. alam ko na meron siyang asawa (bagong kasal pa nga) sa pinas. naisip ko tuloy na bakla siya. at dagdag pa doon, napansin ko na nakatitig siya doon sa foreigner hanggang sa lumagpas ang bus na sinasakyan namin.

mahigit sa tatlong seconds iyun ha. kung susundin natin ang rules doon sa "three seconds look", aba di lang siya PLU kundi baklang malandi pa talaga. pero basta basta na lang ba natin husgahan ang ginawa niyang iyun? anu kaya ang nasa isip niya ng sinabi niya iyun at habang tinititigan niya iyung mamang foreigner?

batay sa mga nabasa ko sa mga blogs, mako confirm natin kung PLU nga ang gumagawa ng "three second look" pag tumingin siya ulit. pero di nangyari iyun dahil lumagpas na nga iyung sasakyan namin kaya di ko puwedeng husgahan ang aking kasamahang lalake. at kahit siguro mangyari iyun, napaka-unfair para sabihin na bakla iyung kasamahan namin.

siguro mas mainam na huwag na lang tayo maging assuming. mahirap kasi sa iba diyan eh gusto lahat ng lalaki bakla para lang sabihin maraming bakla sa mundo. bakit di na lang natin isipin na lahat ay lalake at walang bakla. kapag nasa kalye ba tayo ma-dedistinguish mo ang bakla sa hindi bakla? mahirap yata iyun. bakla lang ang lalake pag makita mo siyang nakikipag-sex sa kanyang kapwa lalake. oppppsss... so ang lalakeng bayaran pag nag siserbis sa isang lalake ay bakla na din? sige sabihin mo iyan sa kanila kung hindi ka mabubugbog.

so, next time na meron kang masasalubong o makikitang nag 3-second look sa iyo, huwag ka magyabang o magmaganda. huwag kang assuming na type ka ng tumingin sa iyo. bakit di mo siya yayain at mag-date kayo. yayain mong mag-sex kung ganyan ka katapang. siguro diyan, bibilib na ako sa iyo. at sa mga baklang nag0iisip ng ganyan, ikaw lang ang bakla uy. huwag ka ng mandamay. hehehe

Tuesday, August 25, 2009

The Mind of a Straight Guy

Putang ina! Ano tong nararamdaman ko? Putang inang manyak na iyun! Sa pagkadami daming urinal sa tabi ko pa umihi. Ang bastos pa. Talagang ibinuyangyang ang titi niya para makita ko. Putcha! Ang laki ng ulo. Ang haba pa. Walanghiyang Mike na iyun. Di pa kasi ako sinamahan na manood dito.

Nasaan na kaya iyung manyak na iyun? Nandoon pa kaya sa CR? Di ko nakita ang mukha ah. Ano kaya itsura noon? Bakla ba iyun? Nakita kaya niya ang titi ko? Aba, akala niya maliit ako ha. Baka gusto lang niya ikumpara titi niya sa akin. Ahhhh. Di naman siguro bakla iyun? Pero matigas na ba iyun? Bakit naman kais kinabahan ako bigla. Madami na rin naman akong nakitang titi sa shower room ng gym ah. Tapos parati naman akong nanonood ng porn. Pero bakit naman bigla akong kinabahan. Siguro dahil ngayon lang ako nakakita ng titi ng ibang tao sa malapitan.

Putcha. Ang lamig naman . Bakit kasi ito pa ang nasuot ko. Wala sa plano kasi eh. Umuulan sa labas, tapos nabasa pa ako. Tiyak baha pa papunta sa bahay. Ayoko naman tumambay sa mall na walang kasama. Brrrr. Naiihi na naman ako. Shit. Baka nandoon pa iyung mama. Kung nandoon pa siya, papakitaan kaya niya ako ng burat niya. Shiiiiiit. Ang lamig talaga.

Hooops. Walang tao. Makakaihi na siguro ako ng maayos. Gaano kaya kahaba iyung burat niya? Matigas na kaya iyun? Mahaba talaga iyun ah. Ang taba pa. Putcha, tinitigasan ako ah. Nakup! Di kaya ako bakla. Natural lang siguro to dahil malamig. Madali naman akong tigasan pag malamig eh. Pero mahaba din at mataba itong akin. Pag tumayo ito, halos abot pusod. Iyung sa mama kaya, lagpas pusod kaya iyun?

Hahaha. Shitttt. Ang haba na ng titi ko. Ang tigas tigas na rin. Bakla ka pala ha? Sige tsupain mo titi ko. Sige tsupa!!! Masarap iyan. Hehehe. Sige saksak mo sa lalamunan mo. Hoooops. May tao!

Walanghiya di ko namalayan iyun ah. Laki ng katawan, ang liit ng bewang. Hahaha. Ang dami na talagang bakla ngayon. Huh? Bakit ko naman naisip agad na bakla iyung pumasok. Lalakeng lalaki naman ang dating ah. Teka, parang pamilyar iyung sapatos. Putang ina. Ito iyung tumabi sa akin kanina. Tang ina. Kinakabahan ako. Kumakabog ang dibdib. Sana tabihan niya ulit ako. Erase erase. Bakit ko ba naman iniisip iyun. Alis ka na. Pag di ka umalis, bakla ka.

Pucha. Ganoon ba iyun? Gusto mo lang makakita ng titi, bakla ka na agad. Natural lang iyun at saka di ako takot sa kanya. Secure ako sa aking pagkakalalake. Eh di pakitaan ko rin siya ng aking burat. Uy, nakita na pala niya ng siya ay pumasok. Ipinagduldulan ko kaya iyng burat ko kanina sa isang bakla. Hahaha.

Aba at dito nga tumabi. Sige game. Ayan ang titi ko. Hawakan mo. Halikan mo. Isubo mo. Putang inaaaa. Ano pa hinihintay mo? Bakit di pa niya hinahawakan? O ano? Bakit ka nakatingin lang sa akin? Huwag ka ngang ngingiti-ngiti na parang aso. Ano? Ano iyang isinusulyap ng mata mo pababa? Huh?

Tangna, tangna, tangna! Ang laki nga. Anu gagawin ko? Mas lalong kumakabog ang dibdib ko. Ang sarap niyang hawakan. Ano kaya ang pakiramdam niyan sa aking kamay. Talaga bang malaki siya o sa tingin lang? Pucha, pumipintig na ang titi ko. Meron ng pre-cum na lumalabas. Iyung sa mama meron na din. Tangina. Pucha, hawak lang naman eh. Di ako magiging bakla sa hawak lang. isipin ko na lang na burat ko ang hinahawakan ko. Parang ang lambot ng ulo niya. Parang marshmallow kaya siya. Kung didilaan ko kaya? Mainit kaya siya sa lalamunan? Ngayon ko lang naman gagawin ito. At di naman yata bakla itong mama. Siguro tsutsupain din niya ako. Kung bakla ako, eh di bakla din siya.

Sige na nga, wala naman mawawala sa akin eh.

Friday, August 21, 2009

talangka

masarap ang talangka. maniniwala ka ba na isang daan at isa meron ang paraan sa pagluluto ng talangka. meron pinaanghang na talangka (spicy crabs) na patok sa mga kainan ng mga chino. ginataang talangka na patok sa mga bicolano. sinigang na talangka para sa mga mahilig sa sabaw. kinilaw na talangka para sa gusto ng kakaiba. pinaputok na talangka. krispy talangka at marami pang iba. pero pinakasimple ang sinaing na talangka. mabilis at sigurado na masarap.

narinig nyo na ba ang kataga na "you are what you eat?".. kung mahilig ba ako sa karne ng baboy. baboy rin ba ang asal ko? kung kumain ako ng karne ng manok. magiging isang kahig isang tuka ang buhay ko? kung mahilig ba ako sa karne baka? baka puro baka nalang mamuntawi sa bibig ko. baka yumaman ako, baka gumanda ang buhay ko, baka mabiyayaan ako, baka, baka, at baka.

siguro mahilig kumain ng talangka ang mga pulitiko? kasi puro asal talangka ang pinapakita nila sa ating mga kababayan. bakit kelangan siraan ang isa para lamang umangat ka? bakit kelangan mo pa gumamit ng isang kilalang pangalan para bumango ang pangalan mo? bakit kelangan mo magingay at bumangka sa mga usapin na makakasira sa iyong kapwa? bakit kelangan pakialaman ang hindi naman dapat pakialaman? bakit kelangan mo isisi ang ginawa NYO korapsyon sa iisang tao? maliit o malaki pagkokorapsyon. pagkokorapsyon pa rin yun.

sa mundo ng pulitika wala talagang tama sa mga ginawa ng kapwa nila pulitoko. sa bawat kimot na gagawin ng isa, sisiraan agad at sasabin dapat ganito dapat ganun. kelangan magpabida, kelangan magpagwapo, kelangan magingay para masabi na meron sila malasakit sa mga kababayan natin. minsan natatawa nalang ako sa komentaryo ng mga pulitiko. nagsalita pero nakakabobo naman ang komento. kung wala ka rin lang sasabihin na maganda sa kapwa mo, mas mabuti ata na tumahimik ka na lamang.

tuwing umaga na sumasabay ako sa serbis ng aming kompanya, meron isang pulitiko na lagi ang komentaryo sa radio tungkol sa pangulo at sa kanyang gobyerno. minsan narinig ko na, sa halip na kung saan saan ginagatos ng gobyerno ang kaban ng bayan. bakit hindi raw tulungan umahon ang mindanao. bakit hindi raw gamitin ang ekta-ektaryang lupain ng mindanao. taniman raw ng mga puno. nakalimutan ko na ung puno na nasambit ng pulitiko. dapat raw na pagtuunan ng pansin at panahon ang ating agrikultura. sangayon ako sa sinambit ng pulitiko. pero napagisip-isip ko, bakit kelangan pa magingay ng pulitiko na ito? kung gusto nya talaga na tumulong, tumulong siya na bukal sa kanyang puso. gawin nya ang sinambit nya at wag puro salita. tulungan niya makaahon sa hirap ang mga magsasaka. huwag na niya antayin na gawin siyang presedente bago niya gawin ang namuntawi sa kanyang mga labi. tama na. nakakabingi ka na. umaksyon ka nalang at wag puro salita.

sa radio ulit. isa rin pulitiko ang nagtanong sa gobyerno, saan raw napupunta ang mga ibinabayad sa philhealth ng mga empleyado ng gobyerno. ayon sa pulitiko na ito mula 2001 pa raw hindi nagbabayad ang gobyerno. ANU?? 2001 buti at buhay pa ang philhealth? paano nakakapagreimburse ang mga nagkasakit na kawani ng gobyerno? may katotohanan ba ang sinasabi ng pulitiko na ito? tinawagan ko ang kaibigan ko na nagtatrabaho sa isang ahensya ng gobyerno. ayun sa kaibigan ko, ito ay pawang walang katotohanan dahil nakakabayad naman raw ang kanilang ahensya sa philhealth. hindi raw maiiwasan pero minsan may pagpapaliban ang pagbabayag ng kanilang ahensya sa philhealth, pero matagal na raw ang dalawang buwan. sa pulitiko na ito. huwag ka gagawa ng ganung komento sa radio at nakakairita ito na pakinggan. kung meron ka nalalaman na ahensya ng gobyerno na hindi nakakapagbayad sa philhealth, tumbukin mo ang pangalan ng ahensya at panindigan mo ng buong tapang. hay kaawawa ang pulitiko na ito. kelangan pa niya magsinungaling para lang makapagsalita sa radio. tumahik ka na rin lang kaya. at utang na loob huwag ka rin tatakbo ng pagkapresedente. kasi magkapatid raw ang sinungaling at magnanakaw. maawa na naman sa mga kababayan natin.

bakit nga kelangan ng pangulo na pumunta sa ibang bansa? ang pagkakaalam ko ay para maghimok ng mga dayuhan para magpuhunan sa ating bansa at makalikha ng trabaho para sa mga pilipino at maiahon ang ating ekonomiya. nakatulong ba? para sa akin OO at OPO. namuhunan ang mga dayuhan dito sa ating bansa at nakalikha ng maraming trabaho. isang halimbawa. ung tinatawag na cyber corridor. ito ay mula luzon hanggang mindanao. ito ang mga trabaho para sa mga kababayan natin meron talento, mga kababayan na kayang ibenta ang kanilang nalalaman (knowledge base). hindi pinaguusapan ang kung anu ang natapos mo sa kolehiyo o kung nakatapos ka man ng highschool. hindi pinaguusapan kung may kapansanan. walang edad. kahit sino basta may nalalaman at may kakayahan malaman ang teknikalidad ng serbisyo sa sayber. sa pagaaral ng CICT sa pilipinas. tayo ay nakasama sa top 5 na bansa na nagbibigay ng serbisyo sa malawak na mundo ng sapot (world wide web) at pangalawa sa pinakamagaling sa larangan na ito.

eh bakit marami pa rin sa pilipino ang walang makain? namputsa naman. pati ba naman ito iasa pa sa presidente. tanong ko lang, kung ikaw ba eh walang tenga, maghihikaw ka ba? hindi di ba. kung ikaw eh walang mga daliri magsusuot ka ba ng singsing? hindi rin di ba. kung hindi rin ang sagot mo sa tanung na nagtratrabaho ka ba?. magisip-isip ka nga. yun eh kung me isip ka? ang lola nga ng matalik ko na kaibigan nabuhay ng 93 years old sa kabukiran. hindi umasa ang lola sa pera o luho na pwede ibigay sa kanya ng kanyang mga apo. nagsumikap na magbungkal ang lola sa maliit nya na hardin. sabi nga ng lola. malawak at mataba ang lupa. kung magiging masipag at matiyaga ang bawat isa na magtanim walang magugutom na pilipino. kung gagawin mo lang ng literal ang sinabi ng lola. pwede rin. sigurado hindi hindi ka magugutom at sigurado ung mga sobra sa pananim mo eh ibebenta mo sa kapitbahay para meron ka pambili ng mga kung anung luho meron ka. pero kung gusto mo pa ng malalim na kahulugan sa sinambit ng lola. kung me tiyaga me nilaga. kung me isinuksok me mahuhugot. kung me tinanim me aanihin. at kung anu anu pang kasabihan na meron ka.

eh bakit umabot ng ganun kalaki ang gastos ng pangulo sa pang-iibang bansa nya? simple lang ang sagot dyan. kasi maliit ang halaga ng piso sa bansang pinuntahan ng presidente. santisima de kebarbaridad! nakakahiya ang mga pagaaway na ginagawa ng mga pulitiko at pagpapasilab ng mga media sa usapin na ito. hindi ba nila alam na pinagtatawanan tayo ng ibang mga bansa sa mga inaasta nyo. napakaliit ng halaga na ginastos ng presidente sa ibang bansa. wag mo na icompute sa piso yan. at baka ikabaliw mo pa yan. sabi ko nga maliit kasi ang halaga ng piso. hindi naman kasi pwede na mag-isa lang na pumunta ang pangulo sa ibang bansa. lagi at dapat na meron siya dala singkatutak na entourage. at bawat kasama sa entourage may mga bitbit rin yan na maliit na entourage. at dapat kasama rin dyan ang mga PSG. at bago pa man pumunta ang presidente sa bansang yun. meron na mauuna para maisaayos ang tutuluyan at pagkakainan ng presidente at ng kanyang entourage. at maghire rin yan ng mga security dun sa bansang pupuntahan. at kung anu-anu pa. kaya sabi nga sa ingles "do your math"

eh bakit sa mamahaling restaurant kumain ang pangulo? tinamaan ka naman ng magaling! eh isang leader ng bansa ang papakainin mo, nararapat lamang sa isang magarbo at bongang-bonga restaurant mo siya pakainin. anung gusto mo? makita ang presidente na kumakain sa mc donalds o kaya kung saan saan lang. di ba meron na umamin kung sino ang gumastos talaga ng kinainan ng presidente at ng kanyang entourage. at nagpaliwanag na rin siya kung bakit siya ang gumastos. kaya pwede ba tigilan nyo na ang usapin na ito at mag-dalawang lingo na itong laman ng balita. nakakasawa na. nakakabingi na. tama na ang pagputok ng tumbong mo. palibhasa kaya ka nagkakaganyan kasi hindi ka kasama sa entourage ng pangulo. belat!

tulad ng sinabi ko ang pagiibang bansa ng pangulo ay para mag-alok ng posibilidad na investor para sa pilipinas. mas malaki ang maibabalik na halaga sa pilipinas kung sakali na maginvest ang mga dayuhan. tila barya lang ginastos sa pagiibang bansa ng pangulo. sabi nga long-term investment para sa pilipinas. dito mo mapagtatanto ang pagiging economista ng pangulo.

naging mahusay na pangulo ba si GMA? ang sagot ko ay OO. kung titingnan mo. medyo mali ang pagkakataon na naging pangulo si GMA. kasi sa pagupo sa posisyon ni GMA hanggang ngayun ay nasadlak sa panget na economiya ang buo mundo. pati ang malakas at makapangyarihan na bansa ay nakaranas ng paghihirap sa kanilang economiya. kaya tigilan mo na ang pagiisip na naghihirap ang pilipinas dahil ke GMA. naghihirap ang economiya ng pilipinas dahil naghihirap ang buong mundo. kaya magisip ka ng paraan para makatulong sa pilipinas hindi kung anu anong paninira ang ginagawa mo sa kapwa mo. sabi nga ng mga capitalista. walang makakagawa sa mga nagawa ni GMA sa pilipinas... parang ganun hehehe

kaya sa mga nangangarap na pumalit sa pwesto sa pagka-pangulo. "may the force be with you" at malampasan mo pa sana ang mga nagawa ni GMA. wag naman sana sa pagpapayaman. tnm!

anung koneksyon ng talangka at pulitiko? malaki. sa inaasta. sa ikinikilos. sa mentalidad. kaw nalang mag-isip, alam ko marami ka pa masasabi. talangka talangka sa langit ang tamaan, guilty! tnm!

sa haba ng naisulat ko. hindi ko na alam kung paano ito tatapusin. kaya bigla nalang ito mawawala. :D peace.

Thursday, August 20, 2009

Health Conscious

Mga magulang na nagka-umpukan sa harap ng conference table at kumakain.

Magulang1: Anu ba namang burger ‘to? Napaka-dry! Kahit bibigyan ako ng isa pa nito di ko na kayaning kainin. Wala bang dessert?

Isang nanay ang panandaliang tumayo at may dalang tsokolate ng bumalik. Kumuha ang mga magulang. Kumain.

Magulang1: Anu ba naman ito, sobrang tamis?

Magulang2: Reklamador to.

Magulang3: Kanina ka pang reklamo ng reklamo ah. Kanina, sabi mo ang fries, mamantika. Tapos ang burger, masyadong dry. Tapos ngayon naman ang tsokolate, ay sobrang matamis.

Tawanan. May nagtanong kay magulang1.

Magulang3: Iyung anak mo ba reklamador din?

Magulang1: Hindi. Lahat kinakain iyun!

Tawanan ulit. Nakisali ang isang nanahimik na single parent.

Magulang4: Ang anak ko, di kumakain ng may asin, may asukal, at may mantika.

Magulang5: Ang boring naman ng buhay ng anak mo. Ayoko ng ganyan, gusto ko mamatay ako na nakangiti.

Tawanan.

Magulang4: Ok lang daw sa kanya. Gusto daw niyang gumaya sa akin. Merong six-pack abs!

Hagalpakan sa tawanan. Ang mga anak ay dapat tumulad sa kanilang mga magulang.

Wednesday, August 19, 2009

Ang MAG-AARAL sa BUNDOK

Taga bundok ako at sa may bundok din ako nag-aral sa elementarya ilang taon na ang nakakalipas. Halos kilokilometro ang layo ng aming eskwelahan sa aming bahay, dadaan muna ako sa dalawang ilog, aakyat sa matatarik na bangin, maalikabok na daanan pag tag araw o kayay maputik kung tag ulan, matataas na talahiban at tubuhan at kung minalas malas ka pa madadaanan mong may sawa sa daan o kayay hahabulin ka ng bagong panganak na kalabaw ng iyong kapitbahay o di kayay hahagarin ka ng asong ulol na kanina pa nakatitig sa iyo, at naglalaway pa. Take note hindi pa uso noon ang hanging bridge, tulay na bato na iniayos ng tatay ko para maging tulay (patalon talon ka from one big stone to another) lang ang magliligtas sa kumikinang mong sapatos pagdaan mo sa ilog. Kung tag ulan ihanda mo na ang iyong sarili sa pag suong sa baha at dapat magaling kang lumangoy dahil baka anurin ka ng mala tsunaming agos ng ilog na kulay brown, minsan may kasama pang mga punong kahoy dahil sa soil erosion.

Pagpasok sa gate ng eskwelahan, hindi alintana ang pagod, pipila ako kasama ang mga cute na cute na batang paslit, kagaya ko at aawit ng Bayang Magiliw Perlas ng Silanganan, kakanta ng Ako ay Pilipino ang dugoy maharlika…, mag pa-Panatang makabayan Iniibig ko ang Pilipinas… at syempre ang nakakatuwang ehersisyo tuwing umaga (1,2,3,4,5,6,7,8, then 8,7,6,5,4,3,2,1). Minsan pinangarap kong ako naman ang tatayo sa gitna ng stage para kumumpas ng 4 by 4 beats ng Lupang Hinirang o kayay ako naman ang hahawak ng lubid na magtataas o magbababa ng Watawat ng pilipinas, pero hindi ito kailanman nangyari, payatot at lampa pa kasi ako noon. Pagkatapos noon papasok na sa kwarto. Palagi akong nasa ROW 2 , kasi ayaw ko sa Row 3 at 4. Oks lang sa row 1 pero hindi naman ako mahilig sa spot light. Bakit ayaw ko sa row 3 o 4, dahil naiinis ako sa kantang pambata namin dati:

Row 1 – sipsipan

Row 2 –mababango

Row 3 – nagtatae

Row 4 – mga salbahe

So dahil likas na mabango naman ako, sa row 2 ako lagi.

Aba aba aba, proud sa akin ang aking mga magulang ko kasi palagi sa recognition day lagi sila umaakyat sa stage para I-PIN sa akin ang PINK na ribbon dahil Honors ako. Pumalpak lang ako noong grade 5, ewan ko ba kung bakit inalisan ako ng karapatan ng adviser ko noon. Nasira tuloy ang track record ko. Pero naghiganti ako noong Grade 6, nag honors ulet ako. Epal ako eh.

Pangarap kong maging guro. Kinder pa lang ako pinangarap ko na ring humarap sa unahan ng klase at ako ang humalili sa pagdadakdak ng guro ko. Pero hindi naman likas sa akin ang atribida at lalong lalo na hindi ako madaldal, sa katunayan mahiyaan ako at walang lakas loob na humarap sa tao. Hanga lang kasi ako sa lakas ng loob at tyaga ng taong buong araw tinitiis ang makukulit, nakakaasar at minsay mababahong estudyante na 8 oras sa isang araw, limang araw isang lingo, halos 9 na buwan sa isang taon niyang kaharap. Kaya nais kong magbigay pugay sa mga Gurong nagbahagi at nagbigay kaalaman na ang buhay ay weather weather lang.

Kay Mr. Swabe, Prinsipal sa Mababang Paaralan ng Bulubundukin, dahil sa hindi mamatay matay na tsismis noon na palaging pinapupunta nya si Mam BEA sa kanyang Opis dahil, Kabet nya ito. Idagdag pa ang paghambalos nya ng napakatuminding palo ng walis tingting sa dalawang estudyanteng nagsagawa ng Flag ceremony dahil sumadsad sa lupa ang sagradong WATAWAT ng Pilipinas. Sigurado akong hindi rin nila malilimutan iyong palo nyo Ser.

Kay Mam Atienza, kinder, salamat at binigyan mo ako ng kauna unahang ribbon noon ok na sa akin yung Third honors. Pero sana first, tutal naman cute din ako katulad nung second honors eh.yun nga lang wala ako lagi sa iyong regalong imported na tsokolate na bigay ni First Honors. Hanggang sumang lapad lang ng nanay ko ang naibibigay ko sa inyo eh.

Kay Mam Care, Grade 1, Sa pagpupunas ng wee wee ko nung naihi ako sa short sa classroom, pero bakit nung natae yung katabi ko sa classroom, ako at hindi ikaw ang sumama at naghugas sa kanya.?

Kay Mam Ruth, Grade 2, kilala ko napo kung sino ang kumuha ng wallet nyo noon. Hindi ako, kundi yung Bestfriend ko, pero nalaman ko lang na clepto siya noong grade five kami, bagong tuli ako, nakita ko kasi na yung nawala kong kaunaunahang Brief sa tanangbuhay ko na nakuha kong regalo kay nanay eh suot suot nya isang araw. Kita pa kasi yung ATOM na nakalagay sa garter nya.

Kay Sir Mario, Grade 3, Sa walang kamatayang raffles. Sa pagsamsam mo sa ginagamit naming LASTIKO sa pag cha-chinese garter, at pag sisipa, sa pagkuha mo ng aking mga jackstones habang nag tutournament kami sa classroom. Kinuha mo rin ang mga TEX kong X-men, OK Ka fairy ko, Power Rangers, tapos nakita ko na ginagamit ng mga anak mo. Para mo na ring kinuha ang aming pusot kaluluwa. Pilit mo ring kinuha ang aking Brick game na usong uso noon, pero hindi ka nagtagumpay bwahaha.

Kay Mam Motor, Grade 4, otherwise known as my Ninang Sharon, dahil tuwing may summative at periodic tests ay binibigay na nya sa akin ang key to correction ng test paper bago ang pagsusulit para lagi akong top sa exams nya.

Kay Mam Rosalinda, Grade 5, isang making hmmmmmp sa iyo, dahil inalisan mo ako ng Honors noong grade 5, dahil siguro itsinismis kita na love na love mo dati ang tiyuhin kong maputi at kerengkeng ka at talagang pinupuntahan mo pa siya sa bukid namin.

Kay Mam Maria Mercedes, grade 6, salamat at nakuha kita sa Bola at ginawa mo ulet akong Third Honors. Salamat at inaway mo din Si mam Rosalinda dahil pinangalandakan mo daw sa Faculty room na gumaling ako sa pag aaral nung ikaw ang nagturo.

Kay Sir Ogie, Grade 6, Dahil pinakanta mo ako sa harap ng klase ng “AKALA KO IKAW AY AKIN, huhuhu, TOTOO SA AKING PANINGIN, huhuhu, NGUNIT NG IKAW AY YAKAPIN, huhuhu, NAGLALAHO SA DILIM, huhuhu” hindi ko malilimutan iyun sir! May potential pala akong maging… performer at Komedyante. Hehehe. Tawanan kasi ng tawanan ang buong klase nun eh, dahil tulo na luha ko pati uhog ko tulo din, tuloy pa rin ako sa pagkanta. The show must go on pa rin dapat, ang ginawa ko!

Sa inyong lahat maraming salamat sa paghubog sa akin! Hindi ako magiging pasaway, masayahin, makulit, mapagmahal, matigas ang ulo, masipag, palakulangot, pursigido sa buhay, at kung ano ano pa kung wala kayo. Naging expert din ako sa paghuhugas ng pwet ng may pwet, o kayay pag aralang pigilin ang pag-ihi para hindi basa lagi ang shorts. Nalaman ko rin na pwede palang maging mag bestfriend ang isang principal at ang isang grade 6 styudent (insert nasty grin). Kahit batam bata pa lang nahahasa o namumulat na rin sa pang iintriga at kurapsyon sa lipunan, syempre natuto ring i classify ang tama sa maling asal. Natutunan ko rin na kahit pala teacher nananakawan din ng estudyante. Napagtanto ko rin na pag may kinukuhang gamit ang isang teacher sa inyo, o kayay nagpaproject panigurado iuuwi lang nya yun sa bahay nila at ibibigay sa mga anak. Napagalaman ko rin talaga na Blood is Thicker than water Diba Ninang Sharon?

Higit sa lahat, lahat ng tagumpay ay nakukuha sa pagtitiyaga, kasipagan at pasensya, tiwala sa sarili at pagtanaw kung saan ka man nanggaling.

Pagsapit ng Hayskul life, malaking pagbabago ang aking naranasan sa Praybeyt Skul ako papapasukin. hindi lang basta skul ito, mga Pari at mga Madre ang namamahala nito.

itutuloy ko sa susunod, mahaba na ito eh. Until next time.

Tuesday, August 18, 2009

Ang BOMBA ni ATOM

Atom ang pangalan ko, literal na taga bundok pero asal modernong tao, probinsyano pero nakakapasok din naman sa Starbucks once in a while, tapos labas ulet after two minutes. Naatasan akong ipakilala ang aking sarili bago pa man ako makapagsimulang ibahagi ang mga kaalaman ko sa blog na ito. Kailangan nila ako dito kasi ako ang ANGHEL sa JABBLONG blog na ito (sabay sign of the cross), para may balance of powers kumbaga, hehe. Nais ko lamang iparating sa pamunuan ng JABBLO na isang malaking karangalan ang magsulat ng mga iktoryas ko sa buhay dito kasama ng aking mga bagong sayber TROPA. Oh diba ansaya, may nakakatiis din pala sa akin kahit papaano. Bilang pani-MULAT, si ATOM BOMB o Atom sa tunay na buhay sa harap ng mundong, malawak na sapot (world wide web sa ingles kung hindi ka pinoy) ay mailalarawan bilang isang napakaextraordinaryong nilalang, hindi ako alien pero, mala-extraterrestrial ako, kakaiba kumbaga.

Ayon sa aking pagkakaalam, Cross breed ako ng Hyena at Panda, bakit kamo? Palatawa at palangiti ako (Hyena) at syempre maamo ang personalidad (Panda). Pwede ring cross breed ako ng Hito at Alimango, Bakit na naman? Kasi mahilig ako maligo sa ilog namin (andaming hito doon) at matalas ang kuko ko pag nangungurot (Alimango). Cross breed ako ng isang kulangot at ng isang tighiyawat, dahil mahilig akong mambilog o mambola (kulangot, tapos lagay sa ilalim ng desk) at wagas, kasing puti ang hangarin sa buhay (taghiyawat na may nana na). Sabi ng nanay ko kahit nung maliit pa ako cross breed naman daw ako ng isang tinapay na MONAY at isang Guro, kasi Masarap (akong magmahal) daw ako kahit walang palaman (MONAY) at mausisa at nakikinig daw ako (guro). Ang tatay ko naman sabi pinaglihi ako ng nanay ko sa Singkamas at talong, kasi kahit maiitim ang lahi namin, maputi ako (tay hindi ka ba nagtataka kung bakit?lols) at talong (sabi nya wala lang kasi katabi ng singkamas ang talong sa awit na BAHAY KUBO) Sabi ng ilan cross breed naman daw ako ni Superman at ni Krystala, baket? Kasi matatag daw ako sa mga pagsubok (Superman) pero iyakin din kung minsan (Krystala- oist A Real MAN cries!) pero mabibilang lang sa kamay yung minsan na yun. Pinaghalong ketsup at mantika din ako, kasi madudugo ang pinagdaanan ko sa buhay (ketsup) at oily ang face ko (mantika, talagang sinama sa description, hehe). Sa dinami dami ng cross breeds na maihahalintulad sa akin, dito ako natuwa, cross breed daw ako ng Unan at ng isang octopus. WHY WHY WHY? Hulaan nyo na lang kung bakit. =D

Sa totoong buhay, ako ay isang simpleng mamamayan ng Pilipinas na naghahangad ng isang magandang bukas hindi lang para sa akin, higit sa lahat sa aking mga mahal sa buhay at sa bansang sinilangan (naks, patriotic). Isa akong anak na pasaway pero mahal na mahal ang kanyang mga magulang. Isa akong kapatid na mapagmahal, sa katunayan lahat ng gamit ko, sa kanila napupunta (hand me downs sa inglets). Isang kaibigang maaasahan at kaya din namang mang-umbag o manampal para magising sa katangahan ang isang nagbubulag bulagan sa pagmamahal. Isa akong lover in the province, na wala pang opisyal na lover, loveless na lover in short. Isa akong avid reader at tagahanga ng mga nakaka intrigang love stories sa blogworld, mga palitan ng akusasyon sa isat isa, at mga blog na hindi lang nagpadugo ng aking ilog, nag patibok din ng aking puso at ng kung anumang dapat pang tumibok at kumislot. Hehe. Masiyahin ako, halata naman diba, kung hindi ka naniniwala, ok lang, wala akong paki. Hmmmp hindi tayo bati.

Marami pa akong kwento, ibabahagi ko sa inyo kung sasamahan nyo kaming maglakbay sa buhay na ito, nawa ay may mapulot kayong aral sa buhay at leksyon sa araw araw. Mapangiti sana kayo sa mga kwento ng totoong buhay, makipagpalitan ng kuro kuro sa mga isyung napapanahon, magising sa umagang may pag-asa, at mabigyan ng lakas ng loob na ipaglaban ang mga bagay na karapat dapat ipaglaban. Masarap mabuhay kung puno ng pagmamahal ang puso, kung tunay kang Malaya at walang inaalintanang sakit. Kaya iwanan na lahat ng bagaheng nagpapahirap sa buhay mo: kung hindi ka mahal- huwag ipagsiksikan ang sarili. kung pagod ka na- magpahinga ng mataimtim saka ulit sumubok. Kung malungkot ka – hanapin ang magpapasaya, huwag magmukmok sa isang tabi. Iyan at marami pang iba ang nais kong maibahagi dito.

Ako si ATOM BOMB, MAGPAPASABOG- hindi ng mga utot na kwento, kundi ng mga Istoryang nagpabago, nagpapabago at magpapabago sa pananaw ko at nawa sa pananaw mo din sa buhay. Ako siguro ang balanse sa timbangan na katapat ng mga taong EMO!!! Kaya kung EMO ka, ako na siguro ang hinahanap mo tsong o tsang. Malay mo TAYONG DALAWA AY SA ISAT ISA… (kinanta mo ano?)

Pinoy Survivor 2

kagabi nagsimula na ang Pinoy Survivor sa GMA. ikalawang season na sila at sa inaasahan ng nakakarami, halos lahat ng mga kalahok ay tila "matamis sa mata" (eye candy po ang ibig kung sabihin. hehehe.). hindi lang sila mga magagandang lalaki at babae pero may magagandang pangangatawan din, maliban na lang siguro sa dalawang kalahok na nakakatanda.

alam naman siguro natin kung bakit ganyan ang mga pinipili ng mga tv stations, kasama na ang ABS diyan at iba pang istasyon siyempre. eh sinu ba naman ang manonood ng tv kung ang ipapakita ay hindi kanais-nais eh ang mga pinoy pa naman ay mahilig sa mga beauty na hinahalimbawa ng mga taga-kanluran. at isa pa, gusto ng manonood kung ano ang mga intriga ang kanilang masasaksihan sa mga tao na tila para sa kanila ay kaakit-akit. siguro kung puro mga celebrity pa iyun, mas lalong panonoorin. pero anu namang mga kagandahang asal ang ating mapupulot sa mga ganitong programa?

wala! meron? sige magbigay kayo ng opinyon mo. hehehe.

Saturday, August 15, 2009

the hanged man

nakakatuwang isipin kung ang buhay ng isang tao ay ididikta ng kahit anung medium tulad ng bolang kristal, o ng ordinaryong baraha, o kaya ung tubig mula sa birhen batis ng virac catanduanes na isinalin sa pilak na mangkok papatakan ng dugo ng sinuman gusto sumilip ng kanyang tadhana, at ito ay ipapakita ng mahiwangang tubig, at marami pang iba. pero eto ako sumubok ng isang tarot na baraha mula sa sayber. at ito ang resulta pagkatapos sagutin ang ilang mga katanungan.


the hanged man


Self-sacrifice, Sacrifice, Devotion, Bound.


With the Hanged man there is often a sense of fatalism, waiting for something to happen. Or a fear of
loss from a situation, rather than gain.


The Hanged Man is perhaps the most fascinating card in the deck. It reflects the story of Odin who offered himself as a sacrifice in order to gain knowledge. Hanging from the world tree, wounded by a spear, given no bread or mead, he hung for nine days. On the last day, he saw on the ground runes that had fallen from the tree, understood their meaning, and, coming down, scooped them up for his own. All knowledge is to be found in these runes.


The Hanged Man, in similar fashion, is a card about suspension, not life or death. It signifies selflessness, sacrifice and prophecy. You make yourself vulnerable and in doing so, gain illumination. You see the world differently, with almost mystical insights.


What Tarot Card are You?
Take the Test to Find Out.



tama ba ang naging hula? hmmm... OO... sakto parang sinukat. matiyaga ako na tao. sobra laki ng pasenya. at meron rin mga sakripisyo na ginawa sa buhay. competetive ako na tao at ayaw ko ang maging kulelat, kahit hindi manalo basta hindi kulelat. sa pagtitiyaga kahit mahirap o kaya matagal pero kung alam mo naman sa bandang huli ay may kahihinatnan... bakit hindi?

pero paano ba ang tagalog ng "the hanged man"?

-- ang nabitin na lalaki.. hehehe

pipoy tipid

dumating na ang pinakakinakatakutan na araw sa buhay ng pamilya ni pipoy. ito ay ang paglisan ng kanyang pinakamamahal na lola. isang araw nakatangap si pipoy ng tawag mula sa kanyang ina upang ipagbigay alam ang pagpanaw ng kanyang lola. ngunit dahil nasa trayning siya ng mga panahong yaon, hindi siya agad nakapunta. nagpaliban pa siya ng ilang araw para mapuntahan ang burol ng kanyang lola.

pagkalipas ng ilang araw ay nakadalaw na si pipoy sa burol ng kanyang lola. doon nadatnan ang napakaraming tao. may ilan-ilang pamilyar ang mukha ngunit karamihan ay hindi niya kilala. isang senyales na hindi talaga siya malapit sa ibang kamag-anak. dahil na rin siguro sa hindi siya naging prioridad ng kanyang magulang na isama sa mga okasyong pang-angkan.

lumipas pa ang ilang araw. dumagsa pa rin ang ibat ibang tao sa burol ng kanyang lola. meron mga pagkakataon na ipakilala si pipoy sa unang pagkakataon sa mga kamag-anak na doon niya rin lang unang nakita.

habang nakikiramay ang buong bansa sa libing ng yumaong presidente corazon aquino. nagaganap rin ang prosisyon sa lola ni pipoy. sa chinese north cemetery ang huling hantungan ng lola ni pipoy. cremation procedure pala ang pinili ng pamilya ni pipoy para sa labi ng kanyang lola. para mas madaling maiuwi ang labi sa matandang bahay sa probinsya nila pipoy.

habang nagaganap ang cremation nakapagisip-isip si pipoy kung sakaling dumating ang ganitong kabanata sa yugto ng kanyang buhay. ikinuwenta ni pipoy ang total na nagastos ng pamilya para sa kanyang lola. lumalabas na medyo may kalakihan pala ito.

nakapagisip si pipoy na pag dumating ang araw na ito ay ideretso nalang sa cremation ang kanyang labi, kasi mas makakatipid ang kanyang mga mahal sa buhay. 80 porsyento ang matitipid. kasi wala ng magaganap na pagiimbalsamo. wala ng kabaong. wala na rin renta sa puneraria. wala na rin lamay. wala ng pakain sa mga angkan na hindi naman siya kilala..

nakakatawa kung iisipin pero sa panahon ngayun..
palagay ko papayag na rin kayo.
HA-HA-HA-HAYZ BUHAY NGA NAMAN!.

Friday, August 14, 2009

Argus The Brave

Tawagin nyo na lang akong Argus, hindi ko totoong pangalan. Dalawampu’t siyam na taong gulang. Manileno. Marami nakong karanasan sa buhay. Marami rin akong sikretong tinatago. Tahimik lang akong tao kaya madalas sabihin ng mga kaibigan ko na masyado daw akong misteryoso. Misteryoso ngang matuturingan di lang nila alam nasa loob ang kulo ko. Wala akong hilig sa maiiingay na lugar, di ko rin trip ang mga bars o inuman. Yosi at kape, dyan magkakasundo tayo.

Mundo ko na ang internet, mas maraming oras ang nagugugol ko dito kesa sa makisalamuha sa tao. Iba’t ibang mukha na rin nakadaupang palad ko, meron matino pero mas madaming gago. Yung iba naging kaibigan ko na, samantalang yung iba di na dapat pinag aaksayahan ng panahon. Masasabing beterano nako sa mundong ginagalawan ko, marami nakong natutunan para maging matatag sa kalakaran ng internet.

Mahilig akong magbasa ng blog, noon yun! Pero ngayon madalang na, bibihira na lang kasi ang may laman. Karamihan puro kayabangan nalang ang isinusulat o di kaya e pataasan ng ihi. Karapatan nila yun dahil blog nga nila yun. Kung dun sila masaya hayaan mo sila.

Tamad din akong magsulat, gaya ni emanon mas gusto ko pang kinukwento ng harapan.

Marami rin akong kwento, dito susubukan kong ilabas ang mga natatago kong sikreto.

pagpapakilala

ako si emanon. bago sa kapatiran ng mahilig magsulat sa kalawakan ng sayber. simpleng tao pero may dating. karinyoso at madaling mahalin. malambing. maalaga. at higit sa lahat may puso.

marami ako hilig. mahilig ako magdownload ng pelikula, laro at musika. kaya magtanong ka baka meron ako. kung wala man eh ihahanap kita. yun eh kung meron ako makikita sa sayber. mahilig ako sa aso. meron ako lima labrador retrievers at sampu na mongrel. marami. magulo. masaya. at nakakaalis ng anu man klase ng problema pag kami ang magkakasama. mahilig ako sa chokolate. mas maitim mas masarap. mahilig rin ako magluto. ito na ata ang maituturing ko na pang alis ng stress sa araw araw. pwede rin kita ipagluto. kahit ano kaya ko. buksan mo ang refrigerator mo, ang laman ang basehan ng aking iluluto. mahilig rin ako kumain. at para mapanatili ang kakisigan ng aking katawan mahilig rin ako magbuhat ng bakal, tumakbo sa kalye at maglaro ng bola.

hindi ako mahilig sumunod sa agos ng uso. kumplikado kung magisip kaya medyo reserb sa obserbasyon ng mga tao. marami tao ang ilag sa akin dahil mukha raw ako manguumbag. dahil na rin siguro sa aking kakisigan at astigin na pagkilos. pero wag ka, astigin rin ang hanap ko. oo nga pala nahanap ko na ang astig sa buhay ko.

may katigasan ang ulo. sa taas at sa baba. pero nakokontrol ko naman ang katigasan ng ulo ko sa baba. minsan kinaiingitan at kinaiinisan pero kadalasan kinahuhumalingan at pinagpapantasyahan. emanon, ay ako.

Ako si Masai

pangalan ay masai. tunog hapon. kasarinlan aprikano. puwede ring arabo. nasa bansang hapon. bayan ay pilipinas. isip amerikano. ayaw maging amerikano. mukhang pilipino. dugong pilipino. ayaw mag-asal pilipino.

ako si masai. dalubhasa sa kanyang napiling karunungan. tagapangalaga ng kanyang kapaligiran. prayoridad ang kalusugan. seryoso sa pangkalakasan. malakas kumain datapuwat may kapayatan. mahusay sa pagguhit at pag-dibuho subalit nagpupumilit sa pag-kanta at pag-awit.

ako si masai. matalino. ayaw sa nagdudunong-dunungan. matino. ayaw sa nagmamatino. mayabang. ayaw sa nagmamayabang. pakialamero. ayaw pinapakialaman. suplado. ayaw mag-sisinuplado. kelan man di maginoo. kelan man di bastos.

ako si masai. ayaw sa bata. gusto ay bata. may pamilya. wala sa pamilya. ayaw magkapamilya. may anak. walang asawa. may mga kaibigan. kaunti ang mga kaibigan. namimili ng kaibigan. walang alam na kaaway. ayaw ng kaaway, gustong kaawayin.

ako si masai. tingin ay kinatatakutan. salita ay pinanginginigan. kilos ay pinangangambahan. katawan ay pinangingilabutan. isip ay pinag-aabanganan. pagkatao ay pinag-uusapan.

ako si masai. isang komedyante pero hindi nagsisinungaling. isang tao na piniling maging jabblo. bwahahaha.

Wednesday, August 12, 2009

Malate

malate, gabi. madaming tao. sari-saring tao. maraming ilaw. iba't ibang kulay. maraming kumakain. maraming sumasayaw. maraming umiinom. maraming humihiyaw. maraming gastos. maraming gagastusin. maraming nagpapagastos. gustong magpakaligaya. gustong lumigaya. gustong magpaligaya. gustong lumimot. gustong magpakalimot. may hinahanap. may nagpapahanap. may nahanap. may nagpakawala. may nawala. may nawalan. maraming gutom. maraming ginugutom. maraming nagpapagutom. may sumaya. may nagpapakasaya. may malungkot. may nalungkot. panandaliang buhay. isang gabi, samut saring pangyayari at emosyon.

malate, umaga. tahimik. nasaan na sila. nawalan ng buhay. walang ilaw. walang kulay. malungkot. bumalik sa katotohanan. panandaliang kamatayan. naghihintay. isang umaga,nakakabinging katahimikan.

malate, isang santuwaryo ng panandaliang emosyon, panandaliang buhay at kamatayan.

Diablo

Sa chat nagkakila-kilala.
Tropang mahilig magbasa ng blog ng may blog.
Tropang di magkakakilala pero pag dating sa online world ‘brotherhood’ ika nga.
May sari-sariling mundo, propesyunal kung tuturingin. Kanya kanya ng paniniwala.
May mga sariling responsibilidad, walang pakialaman sa personal na buhay.
Handang makiramay, pwedeng kumunsinte pero kunsensya mo na yun.

May malalim na kaisipang sexual.
Nakaranas, nasarapan, hinahanap hanap, kanya-kanyang diskarte pero di garapal.
Mga lalakeng tuwid kumilos, astig sa loob at labas.
Walang panahon para maging ‘emo’.
Seryoso pero gago.
Suplado pero matitino.

May respeto sa isa’t isa. Tropang wala lang.

Ikaw? May dugong jabblo ka ba?

Tuesday, August 11, 2009

baket hindi ka magblog?

tinuring ng isang malapit na kaibigan. "mahirap magsulat", ang aking sagot.

mas madali para sa akin ang magsambit ng kwento kesa sa magsulat ng kwento. mas mabilis gumana ang aking utak kesa sa pilantik ng aking mga daliri sa keyboard. siguro meron na sampung beses na sinambit ito ng akin kaibigan lalo na sa mga pagkakataon na ako bumabangka sa aming kwentuhan, totoo man o likha isip lamang.

ako si emanon dating tagasambit ng kwento, ngayun manunulat na nang aking kwento.

Monday, August 10, 2009

OFFLINE

namputsa! dalawang oras at kalahati ako naghintay sa bangko para lang mag deposit ng pera sa kadahilanan na OFFLINE sila. Kailangan ba talaga na ONLINE ang bangko para lang magawa ang mga transaksiyon nila over the counter?

sa pagkaka-alam ko, kapag naka network ang isang sistema, puwede pa rin magkakaroon ng transaksiyon locally doon sa bawat computer. kung OFFLINE man, dapat pinapatuloy ng bangko ang lahat ng transaction at pagkatapos kapag maging online ulit, saka na lang nila i-upload ang mga datos o transaksiyon. pero bakit di nila ginagawa iyun. anu ba ang sistema nila at bakit kailangan talaga na maging ONLINE?

sa bawat kinsenas, nararanasan ko ang ganitong pagkakataon kaya ayoko pumunta sa bangko sa mga ganitong petsa dahil sa kukulo lang talaga ang dugo mo. dadagdagan mo pa ang sistema nila sa queuing.

karaniwan sa mga bangko, meron silang number sa bawat kliyente para sa sistemang first come first serve. dito sa bangko namin, iba ang siste. pinapaupo nila mga kliyente sa mga nakahilerang upuan. walang problema ito kung "snake-like fashion" ang galaw. kaso military style. pinapaubos muna nila iyung isang row bago palipatin ang buong row sa likod ng katatapos lang na row. kaya kung saan ka nakatapat na upuan, duon ka uupo. ang problema ay kapag merong umalis na kliyente dahil dapat uupuan ng katabing kliyente iyung inalisan na upuan. kaso hindi, dahilan sa posibleng bumalik iyung umalis o di kaya tinatamad umabante ng kasunod na kliyente.

dahil sa tagal na mag ONLINE ng bangko, marami ngang umalis. ang nangyari, iyung mga bakanteng upuan ay inokupay ng ibang naghihintay. iyung nasa kaliwa ko lumipat doon sa tapat niya at iniwan ang envelope sa baka sakaling makabalik siya kung babalik din ang taong umalis sa harap niya. sa umpisa ok lang sa akin. pero ng umalis iyung nasa tapat ko, biglang lumipat iyung nasa liko ko. putcha, ang kapal. sinabihan kong mas nauna naman ako sa kanya pero nagbibingihan lang. kailangan ko ba siyang sigawan o saktan? hindi na. mas malaki sa akin eh. kung nakaka intindi siya dapat di na niya ginawa iyun.

ilang minuto pa ang nakaraan, kinuha ng babaeng nasa tabi ko na lumipat sa harap ang envelope niya. isa pang makapal. nadagdagan pa ang kakapalan niya ng sinabihan niya iyung babae sa likod niya na lumipat sa inalisan niya. lilipat sana iyung babae pero sinabihan kong mas may nauna sa kanya. magpaalam siya dapat doon sa uunahan niya. tiningnan din siya ng mga nakaupong nauna sa kanya kaya di niya itinuloy ang paglipat. sa isip isip ko, militar siya tapos iyun ang gagawin niya. pag ginawa niya iyun sasabihin ko talaga na pangit na halimbawa ang gagawin niya na iyun. nasaan ang disiplina at integridad na itinuturo sa kanila ng kanilang akademya?

ng mag ONLINE na, para na akong nabunutan ng tinik. matatapos na rin ang sakripisyo ko sa loob ng dalawang oras na paghihintay. isang paghihintay na puno ng realisasyon na kung gaano kamali, kagulo at kabulok ang sistema na umiiral hindi lang sa malaking korporasyon kundi sa karamihang tao. sabihin na nating walang perpekto pero di pa ba tayo natututo sa mga karanasan na paulit-ulit na nangyayari?

iyung mga tao na aking nakasama sa maiksing panahon na yaon, sila din marahil ang mga taong bumabatikos sa ating pamamahalaan at society araw araw dahil sa katiwalian. pero ano iyung kaugalian meron sila sa araw araw din nila na pamumuhay? ang pagbabago na inaasam ng mga tao na ito ay kailanman di makakamtan kung sila mismo ay di magbabago.

siguro mas maganda na i-OFFLINE natin ang buong sistema at huwag hayaang mag-ONLINE ulit kung di man lang nabago o naayos ito ng mabuti. ayusin muna iyung kaloob-looban ng sistema, ang hardware, software, operating system at people ware.

Friday, August 7, 2009

Hindi Ko Makita Si Junior!

May umpukan sa may kanto, At dahil likas na makulit ang ATOM, nakijoin ako usapang lasing nila. Binubuo ang grupo ng mga lasenggong sina BAKAL, BUNGAL, GARO at PITIK. Silang apat ay nagtataglay ng malalaking katawan, pero naconcentrate ang kanilang "pinagmamalaki" sa gitnang bahagi ng kanilang pigura. Sa madaling salita, naglalakihan ang kanilang mga tiyan.

Dahil as usual, nag iinuman na naman ang barkada, napa Shot at napaupo, at nakinig sa kanilang balitaktakan:

BAKAL: Alam nyo mga Pre, naiiyak ako pag umiihi ako.
BUNGAL: Eh bakit naman, may sakit ka ba sa kidney at nahihirapan kang umihe?
GARO: Gago! sabi nya naiiyak hindi nahihirapan!
PITIK: Paanong hindi maiiyak yang si Bakal, pag umiihe sa urinal, hindi na makita si junior nya sa laki ng tyan nya.

Tawanan silang lahat.

Hindi ko maintindihan kung maiiyak ba ako sa katatawa o malulungkot sa kalagayan ni Bakal sa buhay. Biruin mo naman ang nagpapaligaya at nagbibigay kulay sa buhay nilang mag - asawa ay hindi nya masilip man lang.

Napakaimportante ng ating katawan at hindi dapat pinababayaan. Sa katamaran, doon magmumula ang pagkabulag natin sa hinaharap. Tamad mag excersice, kain ng madami at walang dyeta... dyan magsisimula ang ating pagkabulag, pagkabulag na isang araw hindi na makikita si junior. Huwag mong hintayin na isang araw magaya ka kay BAKAL na napapaiyak dahil kahit naghuhumindig ang kanyang alaga ay hindi pa rin nya masilip man lang.

Pero bukod sa pagiging MULAT sa katotohan (na nakikita mo si junior) mas importante ang mas malusog na pangangatawan na magiging kayamanan ng isang tao balang araw

Pero excempted ka dito kung 7 inches or more ang junior mo!

Santo, si Cory?

ay sus, tama ba iyung narinig ko na may gusto gawing santo si cory? nakakatawa at nakakalungkot. sinasabi nila na ang laki ng responsibilidad at paghihirap ang naranasan ni cory bilang ina at presidente pagkatapos gawin pa nilang santo? patay na nga iyung tao tapos bibigyan mo pa ng responsibilidad na ganoon? di ba puwedeng hayaan na lang natin mamili kung anong gusto ni cory kahit man lang sa kabilang buhay? malaya na nga siya doon sa kabilang buhay eh ang mga buhay na nandito sa lupa ay nangingi-alam pa. pag-mumultuhin sana sila ni cory.

ikaw ba gusto mo maging santo? ako hindi. isang delusion of grandeur lang ang mag-iisip ng ganoon. dapat mag self-diagnose ang mga taong ganoon, pati na rin ang mga nag-iisip para sa ibang tao. baka kasi ginugutom lang sila.

Wednesday, August 5, 2009

Paunang Sapak

Para sa mga nagtutulog tulugan, huwag mong antayin na buhusan pa kita ng malamig tubig para lang talagang bumangon sa iyong kinahihigaan. Isang tawag lang, magising ka na at maraming opurtunidad ang nakaabang para ay iyong sunggaban.

Para sa mga bingi at nagbibingi-bingihan, huwag ng antayin na kayo ay pitikin sa tenga para tumalsik ang anumang nakabara sa inyong mga tenga. Magkusa na kayong maglinis niyan para naman marinig ninyo ng tama ang mga sinasabi sa inyo at iyun ay inyong maintindihan. Gawan ninyo ng aksiyon ang lahat ng inyong naririnig at huwag na maghintay na lamang.

Para sa mga bulag at nagbubulag-bulagan, huwag na antayin na tusukin ko ang mga mata ninyo para matutuluyan na kayong mabulag. Kung ano nakikita ninyo na makapagbukas sa isip ninyo na tama na, sobra na, palitan na, aba eh, kumilos na kayo bago pa talaga kayo madapa.

Para sa mga nag-iemo, huwag ng antayin na batukan pa kita para lang mabago ang mood mo. Hindi lahat ng panahon ay nakaluksa ka. Hindi ka martyr. Hindi ka bayani. Hindi ka santo. Lumabas ka at hayaang masikatan ng araw at makalanghap ng sariwang hangin.

Para sa mga batugan, huwag ng antayin na kita ay tadyakan na parang kabayo. Magbanat ka naman ng buto at di mo ako katulong at lalo di ka hari na pagsilbihan. Kung akala mo na magpakahirap ako habangbuhay para sa iyo, nagkakamali ka. Pag di ka pa gumalaw diyan, bukas sisipain na kita sa buhay ko.

Para sa mga malalaki ang tiyan, huwag ng antayin na ikaw ay aking masikmuraan. Hindi iyan nakakatanggal ng bilbil. Tumakbo ka. Magpawis ka. Magdiyeta ka. Maraming gym na mura diyan. Hindi mo kailangan ang FF, Golds o Slimmers.

Para sa hibang sa pag-ibig, huwag mong antayin na susukahan kita. Hindi pag-ibig iyang nadarama mo. Katangahan iyan. Piniperahan ka na nga at binubugbog sabihin mo pang lambing iyan. Oras na upang kalimutan iyang kahibangan iyan at ayusin mo na lang ang sarili mo at maghanap na lang ng iba.

Para sa mga nagdiyos-diyosan, huwag antayin na kidlatan ka ng totoong makapangyarihan. Tama na ang pagpapapanggap at tanggapin mo na tao ka lamang. Walang kang pagkakaiba sa karamihan. Tumatae ka rin at mabaho iyun. Bumaba ka na at umapak sa lupa kung saan ka karapat-dapat.

Para sa mga gising sa katotohanan, halina at samahan ninyo akong katukin, yanigin at kalampagin ang mga natutulog, mga bingi, mga bulag, mga hibang, mga nangangarap, mga tamad at lahat ng mga praning sa mundo. Huwag natin silang hayaang manghawa at kumalat. Ibalik natin ang realidad at katotohanan na kanilang pilit na isinasantabi.
Powered By Blogger